Anthony Taberna, pinangatawanan ang paratang na may ka-look alike raw na Korean actor.


Anthony Taberna, pinangatawanan ang paratang na may ka-look alike raw na Korean actor. Isa sa mga kilalang TV journalist si Anthony Taberna o t

Mariel Padilla, sobrang proud sa asawang si Robin Padilla dahil sa pagiging food delivery rider ng kanilang negosyo.
Rhian Ramos, niresbakan ang netizen na nagsabi sa kanya ng, “Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan”!
Julia Barretto at Joshua Garcia nagkaroon ng closure ng gumanap sa music video ni Moira na “Paubaya”.

May be an image of 2 people and people standing

Anthony Taberna, pinangatawanan ang paratang na may ka-look alike raw na Korean actor.

Isa sa mga kilalang TV journalist si Anthony Taberna o tinatawag rin na, ‘ka Tunying’. 1997 nagsimula ang karera niya sa ABS-CBN bilang journalist kaya naman ngayon ay kilalang kilala na siya. Sa kanyang Instagram account ay bumungad ang isang post na ipinagtabi nito ang larawan niya at ng Korean actor na si Uhm Ki Joon.

Ayon rito ay marami na pala ang nagta-tag sa kaniya na kamukha raw niya ang Korean aktor sa palabas na ‘The Penthouse’. May mga pagkakahawig nga naman ang dalawa lalo na kung iisa-isahin mo ang mga katangian nila. Halos parehas rin ang suot nila sa picture na ginamit ni Ka Tunying.

Maraming netizens at kpop fans rin ang nakapansin sa pagkakahawig ni Ka Tunying sa Kissing Bandit ng KDrama na The Penthouse.

Ayon pa sa caption ni Ka tunying sa kanyang post ay pinangatawanan na nito ang paghahambing sa kanya kay Uhm Ki Joon. Isinulat nito, “Tutal ay maraming nagta-tag sakin na hawig ko raw ang Kissing Bandit ng KDrama na The Penthouse, pangangatawanan ko na!”

Ibinahagi rin nito na naging ‘diversion’ raw ang nakakatuwang paratang sa kanya sa mga suliranin sa mundo. Ayon rito, “Diversion ko dahil sa bad news na may more than 15 thousand new covid cases ngayong araw.”

Hindi pa rito nagtapos ang pagbibiro ni Ka Tunying, at pinagiingat pa ang publiko sa nakakahawang sakit at sa mga ‘mahilig manghalik ng maganda’ na si ‘Joo Dan Tunying’ kuno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28)

Bagamat makwela ang post nito ay ginamit rin niya ito upang magpaalala sa lahat na magingat sa bawat oras ng panahon. Face mask, Face shield at alcohol ang suot at dala-dala natin tuwing lalabas ng bahay ngunit mas mainam kung iwasan na natin ang madalas na paglabas ng bahay.

Sa ngayon ay bahagi na ng DZRH si Anthony Taberna matapos ang nangyaring shutdown sa ABS-CBN.

COMMENTS