Kilalanin ang Napakagwapong anak ni Mark Fernandez na ngayoy nasa showbiz na rin.


Kilalanin ang Napakagwapong anak ni Mark Fernandez na ngayoy nasa showbiz na rin. Tila nga kapag ang magulang mo ay isang artista ay nasa dugo

Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya.
Neri Miranda, masayang ibinahagi ang kanyang graduation picture sa kanyang nalalapit na pagtatapos ngayon sa kolehiyo.
Aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion, pinalakas ang loob ni Herlene Budol para sa nalalapit na laban nito ng Bb. Pilipinas 2022!

May be an image of one or more people, outdoors and tree

Kilalanin ang Napakagwapong anak ni Mark Fernandez na ngayoy nasa showbiz na rin.

Tila nga kapag ang magulang mo ay isang artista ay nasa dugo niyo na talaga ito. At tiyak na ganun din ang magiging takbo ng iyong buhay pag laki. Katulad nalang ng anak ni Mark Fernandez na umuusbong na din ang karera sa showbiz ngayon.

Si Mark Fernandez ay anak ng mga batikang aktor na si Rudy Fernandez at Alma Moreno. Isang magaling na aktor si Mark Fernandez nung kabataan niya ilan sa mga pelikulang pinag bidahan niya ay ang mga “Pare ko”, “Mangarap ka”, “Matimbang pa sa Dugo”. Dahil sa taglay niyang galing ay mas nakilala nga si Mark sa showbiz.

Ngayon nga ay bagong henerasyon ng pamilya Fernandez ang umuusbong pagdating sa pag aartista. Ito nga ang anak ni Mark Fernandez at Melissa Garcia na si Grae Fernandez.

Si Grae Fernandez ay labing siyam na taong gulang pa lamang. Ngunit sa kaniyang murang edad ay nais na niyang ipakita sa marami ang galing niya sa pag-arte katulad ng kaniyang ama.

Bagamat hiwalay na ang mag asawang Mark at Melissa masaya si Mark sa nagiging takbo ng karera ng kaniyang anak sa showbiz.

I’m happy with everything that has been happening to my son now. Alam ko yung puso niya. Gusto niya talaga maging artista. Natutuwa talaga ako at nagsusumikap siya,” saad ni Mark.

Bilang ama ni Grae ay hindi mawawala ang payo nito sa anak. “ Trabaho lang ng trabaho. Hanap lang ng maganda kwento o magandang project at maka-jackpot din siya na talagang markado ang role. Pwede niyang mapanalo yung role at magustuhan ng tao.” Saad pa ni Mark.

Sobrang proud din si Mark sa anak bilang ama dahil mayroon daw umanong magandang nangyayari sa karera sa showbiz ng anak. Proud din niyang sinabe na nagbibinata na daw ang anak at super independent nito. At ang sekreto daw sa pagiging magaling na aktor ay wag mawalan ng patience.

Nais din makatrabaho ni Mark Fernandez ang anak na si Grae Fernandez kung papalarin na mabigyan sila ng project na magkasama silang mag ama.

Halos lahat ng artista ay nais makatrabaho ang kanilang mga kamag anak o kapamilya. Marahil siguro ay mas madali para sakanila ang pag arte at magkakaroon sila ng mas mahabang panahon para makapag bonding.

 

COMMENTS