Ofw na nagpagawa ng boquet ng pera para sa kanyang ina, usap-usapan sa Social Media.


Ofw na nagpagawa ng boquet ng pera para sa kanyang ina, usap-usapan sa Social Media. Lahat ng Ina ay gagawin ang lahat upang maging maayos ang

Pinamigay na ayuda ni Ivana Alawi umabot sa 1.3 Million.
Ginamos Challenge, first time hinarap ng mga anak ng people’s champ na si Manny Pacquiao.
Babaeng na-Amnesia, araw-araw pinapakitaan ng wedding picture ng kanyang asawa.

May be an image of 3 people, flower and outdoors

Ofw na nagpagawa ng boquet ng pera para sa kanyang ina, usap-usapan sa Social Media.

Lahat ng Ina ay gagawin ang lahat upang maging maayos ang buhay ng kanilang mga anak. Mula sa pagsilang pa lamang ng anak ay isa nang malaking responsibilidad ang kakaharapin ng bawat magulang.

Wala ding ibang hiling ang mga magulang kundi ang mapabuti ang anak. Kaya nito lang ay nagtrending ang post ng isang tagapaghatid ng regalo ng mga OFW dito sa pilipinas.

Ang pangalan ng negosyong ito ay Gift for every Juan kung saan ay pwede mo silang utusan upang sorpresahin ang mahal mo sa buhay. Ikaw ang mamimili kong sa paano mo gusto silang sopresahin at ihahatid ito mismo ng Gift For every juan sa mismong bahay ng pagbibigyan.

Sa post nga sa Facebook nitong Setyembre 2020 makikita sa larawan ang dalawang babae na may dalang isang malaking palumpon ng pera at mga tsokolate. Makikita doon na imbes bulaklak ang nakalagay sa boquet ay napakaraming pera ang ipinalit doon.

Ang regalong ito ay buhat sa kanilang kliyente na isang Ofw na hindi na nagpakilala para nadin sa kanilang seguridad. Ayon sa kanya ay inipon niya ang pera na ito sa loob ng isang buong taon.

Ang nakalagay na halaga ng pera sa Boquet ay 400,000. Bigay niya daw ito sa kaniyang Ina bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo nito sakanila.

Dahil nga sa kakaibang pakulo na ito ay agad na napukaw ang atensyon ng mga netizen sa post na ito. Madami ang napa hiling na sana balang araw ay makaranas din sila mabigyan ng ganun galing sa kanilang mga minamahal.

Dahil nga doon umani ng sari saring komento ang post na ito. Ito ang ilan sa mga sinabi ng mga netizen.

“Sana all may ganung anak, kase sa panahon ngayon konti nalang ang ganung anak”

“Sure na happy ang mommy mo, mabuhay po kayo! Deserved niya yan.”

“ Ang sweet naman talagang pinagipunan niya para mapasaya ang kaniyang ina. Iniimagine ko itsura ng mommy niya pag nakita yun, ang swerte lang talaga.”

Hinangaan nga ng madami ang ginawang ito ng Ofw sakanyang ina. Kaya sana mag silbing aral din ito sa iba hindi naman kailangan ng mga magulang natin ang materyal na bagay ang pagtanaw ng loob lang sakanilang sakripisyo ay malaking bagay na.

 

Posted by Gifts4everyJUAN on Monday, September 21, 2020

 

COMMENTS