Pilipino sa Dubai nakatanggap ng sorpresa mula kay Supercar Blondie.


Pilipino sa Dubai nakatanggap ng sorpresa mula kay Supercar Blondie. Isa na sa katangian nating mga Pilipino ang pagiging masayahin sa kabila n

Kilalanin ang inspiring Pinay na nagpursige mai-ahon ang pamilya sa kahirapan.
Batang babae, viral sa socmed dahil sa pagdodonate nito ng gulay sa community pantry matapos nito makatanngap ng biscuit.
Babaeng sumubok sa Sandok Pera Challenge, singsing ang nakuha!

May be an image of one or more people, car and outdoors

Pilipino sa Dubai nakatanggap ng sorpresa mula kay Supercar Blondie.

Isa na sa katangian nating mga Pilipino ang pagiging masayahin sa kabila ng mga pagsubok na dumadating sa ating buhay. Hindi nga ito mahahalata sapagkat sadya nang palangiti tayong mga pilipino.

Isang Boss nga ang humanga sakanyang empleyado dahil sa katangian nga nitong pagiging positibo sa kabila ng mga problema.

Ayon pa kay Abir na boss ni jeric ay talagang pinapahalagahan niyang empleyado si jeric. Hindi lang daw ito basta office assistant kundi isa ito sa pangunahing myembro na kanyang pinakaiingatan. Tatlong taon na nga daw silang nagkakasama.

credit: Supercar Blondie Youtube

Nakita din umano ni Abir kung paano sinubok si jeric ng panahon. Dumating daw si jeric sa Dubai na walang wala talaga. Ngunit sa tulong ng kanyang kapatid at bayaw ay nakahanap ito ng magandang trabaho.

Ayon pa kay Abir ay nakita niya din kung paano hinarap ni jeric ng buong tapang ang pandemyang kinaharap ng buong mundo. Sa kabila daw ng pagbaba ng sahod dahil sa madaming trabaho ang nagsara ay lagi padin daw itong nakangiti at hindi nawalan ng pag asa.

credit: Supercar Blondie Youtube

Dahil nga dito ay labis siyang hinangaan ni Abir kaya inilapit niya ito sa kanyang kasamahan sa trabaho na si Supercar Blondie na isang vlogger at influencer.

Sa ini uplod na video nitong Marso 29 ay makikita ang pag kamangha ni jeric ng makita sa car park ng dubai ang influencer na si Supercar Blondie.

credit: supercar blondi YouTube

Sinurpresa nga siya ng influencer ng isang Brand new Hyundai Elantra. Ibinibigay nga daw ito ni Supercar Blondie sakanya sapagkat karapat dapat siyang bigyan ng ganitong regalo dahil sa kaniyang kasipagan sa trabaho.

Nahihiya man ay makikita naman sa mukha ni jeric ang tuwa. Sa huli ay hindi na niya napigilan ang pagiyak. Isa nga daw itong malaking tulong para sa kanya. At iniaalay din daw niya ito para sa kaniyang ina na nasa pilipinas at nag iisa lamang.

Labis din ang tuwa ni abir sa natanggap na ito ni jeric wika pa nga niya “kung mayroon lang akong pagkakataon at kakayahang tumulong palagi kong pipiliin na tulungan si jeric dahil sa kasipagan nito sa trabaho.”

 

COMMENTS