Pangarap na Debut natupad dahil sa pagbebenta ng cake at cupcakes.


Pangarap na Debut natupad dahil sa pagbebenta ng cake at cupcakes. Naniniwala ka ba sa kasabihang "pag may tyaga may nilaga"? Dahil ang pagigin

OFW sa France, dati palang janitor at ngayon ay may magarang mansion ang naipundar sa Pampanga.
Pinay Cheerleader agaw pansin dahil sa kanyang ipinamalas na galing sa Pagsasayaw.
Ala-paperdoll ang asawa ng misis na ito, matapos gamitin itong ‘mannequin’ para sa panindang damit online.

May be an image of 1 person and cake

Pangarap na Debut natupad dahil sa pagbebenta ng cake at cupcakes.

Naniniwala ka ba sa kasabihang “pag may tyaga may nilaga“? Dahil ang pagiging masipag, matyaga at pagkakaroon ng determinasyong gawin ang isang bagay, ay ilan lamang sa sekreto ng mga taong nagiging matagumpay sa buhay. Katulad nalang ng isang teenager na nagbenta ng cake at iba pang tinapay para mayroon siyang panggastos sa kanyang debut at para narin makatulong sa kanyang kapwa.

 

Si Michica ay katatapos lang mag-aral bilang Grade 12 sa ESPG sa Odiongan, Romblon. Ayon sa kanya, natuto siyang magbake ng cake noong sya ay grade 9 dahil sa subject nilang TLE na kung saan ay mayroon itong apat na specialization, cookery, electrical, ICT at baking. Pinili ni Michica ang baking at doon na nga siya natuto magbake ng mga cake at cupcakes at iba pang klase ng tinapay.

Dahil sa nangyaring lockdown noong nakaraang taon, hindi basta basta makalabas ng bahay sila Michica kaya nag-isip siya ng pwedeng pagkakitaan habang nasa loob siya ng kanilang bahay. Dito na nga nagsimulang magbenta si Michica ng kanyang mga gawang cakes at cupcakes at ito ay para narin makatulong sa kanyang mga magulang at para makaipon sa kanyang nalalapit na debut.

 

Nagsimula si Michica magbenta ng mga no bake cake o yung mga cake na hindi kailangan lutuin sa oven hanggang sa sumubok siyang magbenta ng cake tulad ng banana cake, carrot cake at mga cupcakes.

Ang ilan sa kita niya ay kanyang inipon para may panggastos siya sa kanyang debut. Ayon kay Michica, nagsimula siyang maghulog ng 20 sa kanyang alkansya hanggang sa naging hundreds at nang tumagal ay thousand na ang nahuhulog niya dahil na din ito sa kanyang mga binebentang cakes.

Dumating na nga ang araw ng debut ni Michica at talaga namang kahanga-hanga ito dahil karamihan sa ginastos sa kanyang debut ay nanggaling sa kita niya sa pagbebenta ng mga cakes at cupcakes na kanyang inipon.

Bukod pa dito ay si Michica din ang gumawa at nagbake ng kanyang debut cake at cupcakes, at cupcakes na pang giveaways nya, sa tulong na din ng kanyang pamilya.

May be an image of cupcake

Hindi lang masipag at mapagmahal na anak si Michica, mabuting tao din ito na may malasakit sa kapwa nya dahil ang akin niyang talento ay ginagamit din niya para makatulong sa iba. Nitong nakaraan lang, lingid sa kaalaman ng iba ay nagbake siya ng mga tinapay at kanya itong dinonate sa Local Government Unit ng Odiongan, Romblon para sa mga frontliners ng nasabing lugar.

 

Talaga namang kahanga-hanga ang ginawang pagsisikap at pagtyatyaga ni Michica na makamit ang kanyang pangarap na debut at bukod pa dito ang pagtulong nya sa kapwa nya na maliit man sa tingin ng iba pero malaking bagay na ito sa mga frontliners. Saludo kami sa iyo Michica Jasmine. Tulungan natin siya para makatulong pa siya sa iba, magorder na kayo ng cake at cupcake sa kanya.

 

Bisitahin ang kanyang Facebook Page.

 

COMMENTS