Stef Prescott, ibinahagi ang kanyang fitness journey at marami ang bumilib sa naging weight loss transformation nito!

Stef Prescott, ibinahagi ang kanyang fitness journey at marami ang bumilib sa naging weight loss transformation nito!


Malapit na ang summer, at bagamat nasa gitna pa ng pakikipaglaban ang mundo sa nakakahawang sakit, ay hindi ito excuse upang hindi natin ma enjoy ang

Mariel Padilla, inaming kinailangan niyang magtrabaho upang maibili niya ang kanyang mga sariling luho!
Bianca Manalo may sagot na sa issue na buntis daw sya.
Rhian Ramos, niresbakan ang netizen na nagsabi sa kanya ng, “Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan”!

Malapit na ang summer, at bagamat nasa gitna pa ng pakikipaglaban ang mundo sa nakakahawang sakit, ay hindi ito excuse upang hindi natin ma enjoy ang ating buhay. Marami na ngayon ang nagpapapayat para sa kanilang sari-sariling dahilan, mapa-health reason o kaya naman ay para sa personal na dahilan. Isa na rito ang isa sa mga avenger ng StarStruck: The Next Level na si Stef Prescott.

Sa tulong ng kanyang social media account ay naipakita niya sa madla ang kanyang fitness journey. Nais nitong makapagbigay ng inspirasyon sa mga nais magbawas ng timbang.

Suot suot ang mga dating damit ay ipinakita ni Stef ang malaking pagbabago at resulta ng kanyang fitness journey. Mapapansin na malaki ang pagkakaiba ng kanyang timbang noon kaysa sa ngayon. Tunay na nakakabilib ang ginawan ni Stef upang makapagbawas ng timbang.

June 2020 nang magsimula itong itrack ang kanyang fitness journey. Madalas itong magpost ng mga updates sa kanyang pagpapapayat. Ayon rito ay simula nang manganak siya ay nahirapan na itong magbawas ng timbang. Kaya ngayong lockdown ay pinursige na nito at binigyan ng oras ang kanyang sarili upang makapagpapayat.

Sa vlog ng aktres ay ibinahagi nito na nahirapan tlga ito dati magpapayat. Ngayong lockdown ay sinabi nito na ginawa nitong positibo ang negatibong pananaw sa lockdown. Sa halip na malungkot, magalala at mainis sa pangyayari ay ginawa nitong oportunidad ang panahon ng lockdown.

Kitang kita sa mga larawan ng aktres na panalong panalo ang sipag at tiyaga na inilaan nito sa pagpapapayat. Napakalaking transformation ang ibinahagi nito at kwentong nakakainspire sa ating mga kababayan.

Si Stefany Marisa Quintos Prescott ay isang Filipino-American na aktres at modelo ngunit mas kilala siya bilang Stef Prescott sa mundo ng showbiz. Mas nakilala siya dahil sa kanyang nakakawiling personalidad sa TV nang sumali ito sa mga avenger sa Starstruck: The Next Level.

COMMENTS