Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso.


Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso. Kung sa pahusayan sa pagpapatawa o pagig

Ito pala ang dahilan kung bakit naka Wedding attire sila Vice Ganda at Ion Perez
Ion Perez, inilantad ang ginamit nito upang mapa-ibig si Vice Ganda. “May ano yun, may agimat.”
Vice Ganda, proud sa dalawang kasambahay na pinag-arali nito dahil nakapagtapos na ito sa pagaaral.
May be an image of 3 people

📷credit: @praybeytbenjamin

Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso.

Kung sa pahusayan sa pagpapatawa o pagiging komedyante ang paguusapan ay hindi pahuhuli si Vice ganda diyan. Isang kilalang komedyante ng lahat na ultimo malalaking tao ay kilala siya. Ganun nga kasikat si Vice ganda dahil sa dami niyang napapasaya at sa mga inspirasyunal niyang mga mensahe sa kaniyang mga manunuod.

Si Jose Marie Borja Viceral o mas kilalang Vice Ganda ay ipinanganak noong March 31, 1976. Ang kaniyang mga magulang ay sina Reynaldo Viceral at Rosario Borja Viceral. Nakatira ang pamilya ni Vice sa Tambunting sa Tondo, Manila.

Paano nga ba nakilala ang isang Vice Ganda sa industriya ng showbiz?.

Nagtrabaho si Vice bilang isang singer at stand up comedian. Minsan daw ay nagpunta doon si Ogie diaz upang manuod at natuwa ito kay Vice at doon na nagsimulang makapasok si Vice sa industriya ng showbiz.

Taong 1999 nang unang lumabas si Vice ganda sa telebisyon kung saan napasama siya sa isang Judy Anne Drama special na naire sa ABS- CBN ginampanan niya ang role na Antonia sa seryeng ito. Nakapag perform din umano siya sa S.O.P ang rival netwrok na GMA.

Simula nga daw noon ay nagkaroon na si Vice ng mga minor guesting sa ibat- ibang network.

Taong 2007 daw ng nabigyan si Vice ng unang movie project ng Viva films na “Apat Dapat, Dapat apat”. Taong 2009 nang mapili siya bilang hurado sa showtime. Lumipas nga ang taon at pinalitan ang pangalan ng showtime sa “It’s showtime” kung saan si Vice Ganda ang naging main host ng programa.

Pumatok nga sa manunuod ang progamang ito kaya naging main noon time show ito ng Abs- Cbn network.

Taong 2010 nang makuha ni Vice ang first leading role in film sa pelikulang “Petrang Kabayo”. Naging box office hit nga ang pelikulang ito ni Vice na siyang nagtulak pa lalo sa mga producer ng Viva film at Star cinema na bigyan pa siya ng mga susunod pa na pelikula.

Taong 2011 naman ng simulan ni Vice ang kanyang evening talk show na “ Gandang Gabi Vice”. Malayo na nga ang narating ni Vice pagdating sa larangan sa industriya. Ngunit sa kabila ng mga ito ay hindi padin nagpabaya si Vice sa kanyang talento sa pagkanta. Nakapag release na nga ng apat na album si Vice at nagkaroon nadin ng mga concerts.

Naguumapaw nga ang blessing na dumating sa buhay ng nasabing komedyante. Madami na siyang nakuhang awards ilan sa mga ito ay ang “Most influential film actor of the year”, “Phenomenal box office star”, “Bert Marcelo Achievement Award for Excellence in Comedy”, naging “ Movie actor of the year” at “Best talk Show host”.

Ngunit sa kabila ng lahat ng achievements na ito ni Vice ay mayroon pala siyang nakakalungkot na karanasan.

Nanggaling si Vice Ganda sa isang mahirap na pamilya at hindi ito ikinahihiya ng komedyante. Ang kanyang ama ay maagang namaalam sapagkat nabaril ito at iyon nga ang naging sanhi ng pagkamatay nito. Dahil nga doon ay napilitan ang kanyang ina na mangibang bansa upang magtrabaho bilang isang care giver upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Hindi din umano nakaiwas sa pambu bully si Vice Ganda ng kanilang mga kapit bahay at kamag anak. Kahit pa nga noong mga panahon na daw nayun ay hindi pa niya inaamin ang kaniyang tunay na pagkatao ay nahalata na daw ito ng nakararami.

Labis daw ang pagpapasalamat ni Vice sa kanyang guro na tinuruan siya kung paano lumaban sa buhay. Sinabihan daw siya nitong huwag pansinin ang sinasabi ng mga tao at magpatuloy lang sa kanyang pangarap.

Nagaral nga ng mabuti si Vice at nakatanggap ng ibat ibang award. Sumali siya sa mga extra curriculum ng paaralan na naging dahilan upang mahasa ang kaniyang singing and speaking skills.

Labis din ang pasasalamat ni Vice sa taong tumulong sa kaniyang pag aaral mula grade 3 hanggang second year college na si Noriko Tokura. Hindi man natapos ni Vice ang kursong Political Science sa Fast Eastern University ng manila. Ay patuloy niyang hinahanap ang taong tumulong sakaniyang pag aaral upang pasalamatan itong personal.

Sa isa ngang episode ng Showtime ay pumili si Vice ng isang babae na tutulungan niya din sa pag aaral nais niya daw ibalik kung anong tulong ang naibigay ng japanese netizen sakanya.

Sa ngayon nga ay mayroon ng three storey house na bahay si Vice sa Quezon city. Nakuha niya ito dahil sakniyang sipag at determinasyong maabot ang mga pangarap niya.

 

COMMENTS