Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.


Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California. Sa buhay natin dumadaan tayo sa mga pagsubok o paghihirap up

Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.
Batang inabandona noon ng sariling magulang, isa nang matagumpay na Scientist sa Amerika ngayon.
Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.

May be an image of 4 people, people standing and text

Manong konduktor noon, limousine driver na pala ngayon sa Los Angeles, California.

Sa buhay natin dumadaan tayo sa mga pagsubok o paghihirap upang ihanda sa mas magandang oportunidad na paparating. Susubukin tayo ng matindi pero dapat hindi ka susuko hanggang sa makamit mo ang ninanais mong marating.

Tulad nalang ng kwento ni Felix Santillan na nagsumikap sa kabila ng kahirapan na dinanas sa buhay. Alam daw ni Santillan na ginawa ng kanilang mga magulang ang lahat upang buhayin silang siyam na magkakapatid.

Noong nasa high school na nga daw si Santillan ay doon niya naramdaman ang hirap at tunay na estado ng kanilang buhay kaya sinabi niya sa sarili na kailangan niyang magsumikap.

Upang makaahon sa kahirapan at matawid ang pang araw-araw na buhay ay kung ano anong trabaho ang sinubukan ni Santillan.

Naging konduktor siya na sumasahod lamang ng 10 piso hanggang 15 kada araw. Ang ruta daw ng biyahe n iya ay Monumento-Baclaran at Baclaran- Monumento. Sumampa din siya ng barko at nakarating siya sa mga bansang El credo, Pakistan at Saudi Arabia.

Konduktor ng Bus noon sa Pinas, may-ari na ngayon ng mga mamahaling  sasakyan sa Amerika na nirerentahan ng mga Hollywood Stars! – Artikulo UNO

Nagkaroon ng pagkakataong makapunta sa Amerika si Santillan at dun ay naging mekaniko siya sa US Navy at Post office. Sa Amerika narin nakapag asawa si Santillan at nagkaroon ng mga anak.

Sa lahat daw ng paghihirap na dinanas na ito ni Santillan ay hinding hindi niya daw makakalimutan ang kanyang kaibigan na si Alfredo. Ito ang naging karamay niya sa pagod at hirap ngunit sumakabilang buhay na ito. Ang kaibigan nga daw ang nagturo sa kanya na ituloy lang ang buhay sa kabila ng paghihirap.

Dahil nga siya ay may edad na nag retired na si Santillan sa kanyang trabaho sa edad na 51 taon. Naisipan niyang mag aply bilang drayber ng isang limousine upang kahit papaano ay may kita padin ngunit sadyang mahirap sapagkat walang natanggap sakanya.

Dahil doon ay isinugal ni Santillan ang kanyang ipon upang bumili ng sarili niyang limousine na nagkakahalaga ng $70,000 noon. Kapwa Pilipino niya daw ang mga sumasakay sakaniya noon. Nagiiwan daw siya ng mga calling cards sa studio, bahay at business upang siya ay madaling matawagan.

At 2004 nang dumating ang big break sa buhay ni Santillan nagtrabaho siya sa isang kumpanya na tinatawag nilang Driving Force at sa Paramount studio Kung saan mga artista ang naging pasahero niya. Ilan sa mga artistang yun ay sina Patti Austin, Simon Cowell at Chris Evans.

Dating Konduktor sa Pilipinas, May-ari na Ngayon ng Magagarang Sasakyan sa  Amerika na Nirerentahan ng mga Sikat na Hollywood Stars!

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho

Hindi ko talaga akalain na nangyari to sa buhay ko, hindi ko inaasahan na makakarating ako dito sa amerika, Di ko inaasahan na makikita ko yung mga celebrity.” Saad pa ni Santillan.

Aminado din si Santillan na naapektuhan din siya ng pandemya ngunit naisip niya na sa loob ng 32 taong pamamalagi niya sa amerika ay ngayon pa ba daw siya susuko.

Sa sipag at tiyaga na iyon ni Santillan ay nakapagpundar siya ng 17 na magagarang sasakyan, mayroon nadin silang dalawang bahay na paupahan sa Los Angeles at napetisyon narin niya ang kaniyang ina at pitong kapatid.

Dating Konduktor sa Pilipinas, May-ari na Ngayon ng Magagarang Sasakyan sa  Amerika na Nirerentahan ng mga Sikat na Hollywood Stars!

credit: Kapuso Mo, Jessica Soho

Dahil dito ay natampok nga ang buhay ni Felix Santillan sa programang Jessica Soho kung saan pinakita ang kaniyang pagtyatiyaga mula sa pagiging konduktor ng bus hanggang sa pagkakaroon na nito ng limousine na puro celebrity pa ang kaniyang pasahero.

Ang kwentong ito ni Santillan ay isa lamang patunay na pag may tiyaga may aanihin.

 

COMMENTS