Celebrity dad Dingdong Dantes, shares cute photos of his son, Sixto, looking at ‘chicks’.


Celebrity dad Dingdong Dantes, shares cute photos of his son, Sixto, looking at ‘chicks’. Bilang magulang ay isang ‘moment-to-remember’ ang baw

Kelley Day, nasungkit ang first runner-up at naipanalo ang national costume sa Miss Eco International 2021.
Barbie Imperial, ibinahagi ang sweet moments nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.
Pokwang, legal resbak na ang gagawin sa mga nanlalait sa kanyang anak na si Malia: “See you in court”!
May be an image of 1 person, child and outdoors

credit: @dongdantes

Celebrity dad Dingdong Dantes, shares cute photos of his son, Sixto, looking at ‘chicks’.

Bilang magulang ay isang ‘moment-to-remember’ ang bawat milestone ng ating mga anak. Mula sa kanilang unang pag-upo, unang paggapang at unang salita ay talaga namang nagbibigay ngiti sa atin. Subalit ang celebrity dad na si Dingdong Dantes, mukhang ikinatuwa ang reaksyon ng kanyang anak na si Sixto, sa pagtingin nito sa mga ‘chicks’.

Chickboy nga ba? Matatawa na lamang kayo dahil talaga namang focus na focus at manghang-mangha ang super adorable son na si baby Sixto nang makakita ito ng chicks. Habang nakaupo ito sa kanyang highchair ay makikita na may mga baby chickens sa table nito. Kitang kita na inoobserbahan talaga ni Sixto ang mga baby chickens na nasa harap nito.

Napaka cute na ngiti naman ang ibinigay ni Sixto sa purple at yellow na baby chickens. Tila inoobserbahan nito ang bawat galaw ng mga chicks at nabighani sa kakaibang kulay ng mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Inulan naman ng komento ang post na ito ni Primetime King, Ding Dantes mula sa mga netizens, fans at pati na rin sa mga kaibigan at katrabaho nito. Isa na rito si @lizzzuy na tila natatawa sa litrato ni baby Sixto at nagkomento ng “Haha!!!”

Pati na rin si “kuya Kim” Kim Atienza ay nagkomento rin sa larawan ni baby Sixto ng “inaanak!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Jose Sixto G. Dantes IV ang buong pangalan ng bunsong anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes subalit ang nickname niya ay Ziggy. Ipinanganak si baby Sixto noong April 16, 2019 at siya’y two years old na ngayong taon. Mapapansin na baby pa lamang ito ay talaga namang namana nito ang good-looks sa kanyang mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa tuwing kaarawan naman nito ay intimate celebration lamang ang inihahanda ng magasawa dahil na rin sa pandemya. Subalit inuulan naman ng pagmamahal mula sa mga kaibigan at kamaganak lalo na noong second birthday nito ay nagvideo call ang lolo nito na Ama ni Marian na nasa Spain.

COMMENTS