Gown at payong na gawa sa pinagkainan na Doritos chips, viral dahil sa ganda at galing ng pagkakagawa rito.


Gown at payong na gawa sa pinagkainan na Doritos chips, viral dahil sa ganda at galing ng pagkakagawa rito. Diskarte ang isa sa mga sandata na

Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.
Domestic abuse survivor finds the right kind of love in the man who saved her.
Emma Stone stars in Disney’s Cruella the movie, and fans can’t wait for its release!
May be an image of 1 person and outdoors

credit: timesofindia

Gown at payong na gawa sa pinagkainan na Doritos chips, viral dahil sa ganda at galing ng pagkakagawa rito.

Diskarte ang isa sa mga sandata na kailangan natin upang mag-standout sa mundo. Sa tulong ng social media ay madaling mapapakita sa mundo ang mga creative works ng isang tao na nagpapakita ng talento at galing. Isa na rito ang isang babae na napansin ang kakaibang gown na gawa sa pinagkainang plastic ng Doritos chips.

Nagmula ang litrato sa Reddit (u/clairanic) kung saan ay ni recycle ng isang babae ang plastic at ginawang dress. Tulad ng madalas natin nakikita ang mga bags na gawa mula sa zest-o juice dito sa ating bansa ay inapply naman ng isang babae ang parehong concept upang gumawa ng sarili niyang prom dress.

Ayon sa kanyang post ay nagmula ang mga plastic ng Doritos sa kanilang school cafeteria. Maliban sa idea nito na magrecycle ng plastic ay gumamit rin ito ng iisang flavor at yun ay ang nacho cheese flavoured Doritos chips. Pula ang kulay at talaga namang agaw pansin. Nagmukhang radiant naman ang babae na nagsuot nito at fit na fit ang ginawang gown kasama na rin ang parasol na terno sa damit nito.

Subalit inamin rin nito na hindi niya sinuot ang mismong damit sa kanyang prom dahil napakaingay raw nito sa bawat galaw niya. Sa halip ay inisali niya ito sa isang kompetisyon bilang art piece at nanalo ng scholastic award.

Marami naman ang humanga sa pulang recycled dress na ginawa ng reddit user at na inabot ng 101k upvotes at 2000 comments sa nasabing platform. Umani ng papuri ang art piece na ito at marami rin ang umaasa na magsilbi itong simula ng trend na maaaring makatulong sa pagreduce ng waste sa mundo. Mas ikabubuti ng lahat at pati na rin para sa kalikasan, kung mapagtutuunan ng pansin ang pagrerecycle ng mga basura at ma transform sa mga bagay na magagamit pa.

COMMENTS