Sikreto sa pagkakaroon ng long distance relationship, ibinunyag ni Yam Concepcion.


Sikreto sa pagkakaroon ng long distance relationship, ibinunyag ni Yam Concepcion. LDR o long distance relationship ang tawag sa mga couples na

Excited na ipinasilip ni Bea Alonzo sa kanyang mga fans ang pangarap niyang makabili ng bahay sa Madrid, Spain.
Ruffa Gutierrez, itinanggi ang kumakalat na balitang siya ay nagdadalantao kay Senatorial candidate Herbert Bautista.
Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso.

May be an image of 5 people and people standing

Sikreto sa pagkakaroon ng long distance relationship, ibinunyag ni Yam Concepcion.

LDR o long distance relationship ang tawag sa mga couples na nakatira sa magkalayong lugar. Bagamat dagat ang pagitan, ay hindi naging hadlang para kay Yam Concepcion at sa boyfriend nitong nasa New York na si Miguel Cu-unijieng ang pagiging magkalayo.

Walang imposible sa taong nagmamahal, ganyan ang paniniwala ng karamihan at gayun na rin ang pinaniniwalaan ng mga taong kabilang sa LDR. Sa katunayan ay matagal na palang ganito ang sitwasyon nila Yam at upang makatulong sa iba pa nating kababayan na LDR rin ay nagbahagi ang aktes ng ilang tips upang mas lalong tumibay ang pagsasama ng magkasintahan na LDR.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion)

Komunikasyon, ang isa sa mga importanteng tandaan kapag ikaw ay pumasok sa isang long distance relationship. Ang palaging pakikipagusap sa isa’t isa ay dapat maging priority dahil rito ay maiibsan ang lungkot na mararamdaman kapag nasa LDR. Kaya naman kina Yam, ay napanatili nila ang matibay na komunikasyon sa isa’t isa kahit na milya-milya ang layo ng kabiyak nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion)

Tiwala, ang isa pang sandata na kailangan ay mayroon ang bawat isa. Bagamat artista si Yam at may onscreen n aka loveteam ay hindi umano nagseselos si Miguel dahil may tiwala sila sa isa’t isa. Kahit na daring pa umano ang mga scenes na ginawa nito ay hindi ito naging issue sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion)

Nagschedule na magkita ang dalawa tuwing may panahon sila. Ginagawan nila ng panahon na bisitahin ang isa sa lugar nito tuwing may pagkakataon, at dito ay mas naging matibay ang relasyon nila. Sa katunayan ay pupunta ito ng New York at mananatili ng 2 or 3 months ayon sa interview ni Toni Gonzaga sa kanya para sa ‘I Feel U’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion)

Kumukuha rin rila ng maraming litrato tuwing magkasama sila upang makuha ang bawat importanteng alaala sa kanilang relasyon.

Importante rin na seryoso ang bawat isa sa pakikipagrelasyon upang magwork ang kanilang pagsasama. Nang nainterview si Yam sa ‘Tonight With Boy Abunda’ ay hinarap nito ang katanungan na kung maagpo-propose umano ang boyfriend nito ay ano kaya ang isasagot nito. Walang pagaalinlangan naman sinagot ng aktres ang tanong ng, “Yes”.

COMMENTS