Mga gown na gawa ng Filipino designers inirampa sa Miss Universe 2020 pageant.


Mga gown na gawa ng Filipino designers inirampa sa Miss Universe 2020 pageant. Maraming mga Pilipino ang talaga namang inaabangan ang Miss Univ

Lovely Abella, nakabili na ng bahay dahil sa pag o-online selling.
Pinoy Engineer na sumali sa International Contest, nanalo ng 3.5 Million para sa kanyang Bamboo design.
Nakaipon ng mahigit 1 milyong piso ang isang OFW itong matapos nitong ihinto ang kanyang mga bisy0!

May be an image of 6 people, people standing and people sitting

Mga gown na gawa ng Filipino designers inirampa sa Miss Universe 2020 pageant.

Maraming mga Pilipino ang talaga namang inaabangan ang Miss Universe lalong lalo na sa pambato ng Pilipinas. Maliban roon ay naguumapaw pala ng mga gown na gawa ng Filipino deisgners ang nasabing pageant. Alamin natin sino-sino sa mga naggagandahang contestants ang may suot ng mga gown na ito.

 

Ms. Rabiya Mateo

Philippines

 

View this post on Instagram

 

A post shared by FURNE ONE AMATO (@furneamato)

Lumabas ang ganda ng kutis ni Rabiya sa kanyang yellow evening gown na dinisenyo ng Filipino Dubai-based fashion designer na si Furne One Amato. One strap studded butter-yellow gown ang sinuot ni Rabiya sa preliminary competition at talaga namang na highlight nito ang ganda ng kutis at katawan ng kandidata. Bagamat hindi nito nasungkit ang korona ay marami pa rin ang nagmamahal sa kandidato mula Iloilo.

 

Ms. Bianca Tirsin

Romania

Strapped silver evening gown ang sinuot ni Ms. Romania sa kompetisyon at talaga namang kahanga-hanga ang mga detalye ng gown nito. Ang nagdisenyo nito ay ang isa sa mga celebrity designer sa bansa na si Michael Cinco.

 

Ms. Klara Vavruskova

Czech Republic

Silver evening gown rin ang sinuot ni Ms. Czech Republic na may napakagandang sleeve details na talagang namang naghighlight sa pigura ng kandidata. Ang nagdisenyo ng gown ay ang Filipino designer na si Michael Cinco. Tila yata marami talagang suki ang kababayan natin na ito lalo na’t napakaganda talaga ng mga nilikha nitong gowns.

 

Ms. Kossinda Angele

Cameroon

Marami na rin ang humanga sa ganda ng silver gown ni Miss Cameroon na ginamit nito sa pageant. Nakakaproud na ito ay gawa ng isang Filipino designer na si Benj Leguiab IV. Na highlight ang pigura ng kandidata at mayroon din itong slit na nagbigay ng sensual at functional style para sa gown.

 

Ms. Sarita Reth

Cambodia

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rianFernandez (@rianfernandez888)

Isang blue gown ang sinuot ni Miss Cambodia sa pageant at mayroon itong studs at styling na talaga namang kabilib-bilib. Ito ay dinisenyo ng Filipino designer na si Rian Fernandez na siya rin palang nagdidisenyo sa mga kandidata ng Cambodia simula pa noong taong 2018.

 

Ms. Iris Salguero

Belize

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LASALA Official (@lasala_label)

Tila kakaibang gown naman ang ipinamalas ni Miss Belize sa Miss Universe 2020. Napakadynamic ng pattern at style ng gown na gawa ng Filipino designer na si Jian Lasala na talaga namang kayang kaya makipagsabayan sa international designers. Ayon rito ay ito na ang pinaka-madetalye at pinakamahirap na gown na nagawa niya.

 

Tunay na kahanga-hanga ang galing ng mga Pinoy at maituturing na globally competitive ang talento na ipinamalas ng mga Filipino designers na ito.

COMMENTS