Beautiful inside and out: Ivana Alawi, tumutulong sa taong bayan sa simpleng dahilan na ito.


Beautiful inside and out: Ivana Alawi, tumutulong sa taong bayan sa simpleng dahilan na ito. Bihira na lamang sa panahon ngayon ang babaeng mag

Ivana Alawi sets up a surprise of P10,000 cash and helmets to delivery riders.
Ivana Alawi’s latest prank serves as an eye opener to all and calls a random stranger, ‘tatay’ after what he did.
Ivana Alawi at Gerald Anderson, spotted na magkasama sa Masbate! Mga netizens ngayon ay nagtataka.

May be an image of one or more people

Beautiful inside and out: Ivana Alawi, tumutulong sa taong bayan sa simpleng dahilan na ito.

Bihira na lamang sa panahon ngayon ang babaeng maganda na ay mayroon pang magandang kalooban. Kadalasan kasi ay maganda nga ngunit kakaiba naman ang ugali. Labis na hinahangaan ng mga netizen ngayon si Ivana Alawi.

Si Ivana Alawi ay isang sikat na artista at vlogger. Kilalang kilala si Ivana ng kahit sino dahil sa bukod sa taglay nitong kagandahan, kasexyhan ay mayroon din itong mabuting kalooban.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Matatandaan na si Ivana ay isa sa mga artista na tumutulong sa ating mga kababayan na nakararanas ng kahirapan ngayon. Ngunit madami din ang nagtatanong kung bakit ba niya ito ginagawa?

Sa isang interview kay Ivana Alawi sa isang Talk show na “Magandang Buhay” naikuwento ni Ivana kung bakit nga ba malapit ang puso niya sa mahihirap.

Ivana Alawi Visits Cagayan, Isabela to Bring Goods to Ulysses Victims

credit: philnews.ph

Ikinuwento ni Ivana na may malamim daw siyang dahilan kung bakit daw niya ginagawa ang pagtulong na ito sa kanyang kababayan.

Nakaranas din umano sila ng kahirapan ng umuwi sila dito sa Pilipinas. Umabot daw sa puntong toyo nalang ang inuulam nila sa kanin upang malagpasan lang ang isang buong araw.

Ivana Alawi marks 10M subscribers by giving away 10 scholarships

credit: panaynews

Nangyayari daw ito sa tuwing wala nang mauutangan ang kanilang ina na si Fatima. Hinding hindi nga daw ito malilimutan ni Ivana.

Kaya nito ngang nagkaroon ng pandemya ay hindi nakayanan ni Ivana na panoorin na lamang ang kanyang mga kababayan na naghihirap at nagugutom. Kaya namigay nga ito ng mga relief goods upang maibsan kahit papaano ang gutom ng mga kababayan.

Ivana Alawi Donates Food Packs, Cash To Homeless Families

credit: philnews.ph

Hindi rin ito ang unang pagtulong na ginawa ng dalaga sapagkat noong dumating ang bagyong Ulysses na kung saan ay labis na naapektuhan ang lugar ng Cagayan ay nagpaabot din ito ng tulong sa lugar at sa iba pang karatig lugar nito.

Ivana Alawi Donates Food Packs, Cash To Homeless Families

credit: philnews

Nasabi pa ng dalaga na may dahilan din siguro kung bakit bumubuhos ang mga biyaya sa buhay niya at iyon ay sa tuwing mabibiyayaan siya ay dapat niya ding ipamahagi ito sa ibang mga nangangailangan.

Dahil nga dito ay lalo pang humanga ang mga netizen kay Ivana. Lalo ding dumami ang subscriber niya sa kanyang youtube channel. Tunay nga na kapag mabuti ka sa iyong kapwa ay pagpapalain ka pa lalo.

 

COMMENTS