Barbie Imperial, ibinahagi ang sweet moments nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.


Barbie Imperial, ibinahagi ang sweet moments nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga. Tila kumukulay ang mundo sa mga sandaling nakikilal

Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!
Derek Ramsey, nararamdaman na si Ellen Adarna na ang kanyang “the one”.
Awra Briguela, naging Dyosa ng kagandahan sa kanyang naging 18th birthday celebration!

No photo description available.

Barbie Imperial, ibinahagi ang sweet moments nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Tila kumukulay ang mundo sa mga sandaling nakikilala natin ang ating kabiyak. Madalas na kinukunan ng litrato ang bawat sandali na kasama natin ang mga ito. Isa pa sa positibong epekto ng pagmamahalan ay ang ability na pakiligin rin ang ibang tao sa mga naishashare na sandal. Kaya naman nang ibahagi ni Barbie Imperial ang ibang litrato nilang dalawa ni Diego Loyzaga ay maraming netizens at fans ang kinilig at tuwang tuwa sa kanilang pagsasama.

Nagpost ang dalaga ng appreciation post para kay Diego at rito makikita ang best moments nang magkasama sila. Aminado naman ang aktres na sa kanilang dalawa ay siya talaga ang mas vocal sa kanilang nararamdaman kaya naman ay siya na rin ang inaasahan ng mga fans na magpost ng sweet moments nila ng kanyang boyfriend. Kitang kita naman sa bawat photo na talagang masayang masaya si Barbie sa relasyon nila ni Diego at panay naman ang ‘sana all’ ng mga netizens na kilig na kilig sa post ni Barbie.

Dahil open book naman si Barbie ay alam ng marami na nagsimula sa pagiging magkaibigan ang dalawa. Parehong artista at di maiwasang magkita sa trabaho ngunit ang isa sa talagang nakapag-bonding sa dalawa ay ang paglalaro nila ng “Call of Duty” na naging daan upang mas makilala nila ang isa’t isa. Aminado naman ang aktres na hindi nila akalain pareho ni Diego na magkakadevelopan silang dalawa.

Sa isang panayam kay Barbie sa show na “Magandang Buhay” ay inusisa ang pagtingin ng aktres para kay Diego. Ayon rito ay matagal nap ala umanong may crush ito kay Diego at mas lalong tumibay nang makasama niya ito sa isang getaway beach sa Pangasinan. Ito pa umano ang nagpaalam sa ina ni Diego na payagan ang aktor sumama sa kanilang lakad noon.

Bakas nab akas ang saya ng aktres sa kanilang relasyon at todo suporta rin ang isa’t isa sa mga pangarap nila sa buhay at sa trabaho. Nababasa umano ng isa’t isa ang mood at alam na alam papaano ito pasasayahin. Ang pag mumula sa pagkakaibigan ay isa talagang magandang pundasyon ito sa bawat relasyon.

COMMENTS