Dalawang Tapat na Bata, Nagsoli ng Wallet na Naglalaman ng Pera at ID


Dalawang Tapat na Bata, Nagsoli ng Wallet na Naglalaman ng Pera at ID Kilala ang Pilipinas na isang bansa kung saan maraming mga pilipino ang m

5 businesses owned by inspiring Pinay lady bosses that started during pandemic
Viral ang pagiibigan ng magkasintahan na nagsimula sa unang… kopyahan?!
Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.

May be an image of one or more people

Dalawang Tapat na Bata, Nagsoli ng Wallet na Naglalaman ng Pera at ID

Kilala ang Pilipinas na isang bansa kung saan maraming mga pilipino ang matapat at talagang may magandang asal na kinilakihan mula sa pa sa kanilang mga ninuno. Likas na sa ilang pilipino ang pagiging matapat bagaman mayroong ibang nasisilaw sa materyal na bagay mas marami parin ang pinipili na maging matapat sa ilang bagay.

Nito nga lang ay nag viral sa social media ang post ni Xer Yoker kung saan makikita sa larawan ang dalawang bata na nagsauli ng kanilang napulot na wallet na may lamang pera at importanteng mga ID.

Ang wallet nga na ito ay naglalaman ng mahigit isang libong pera at mga ID katulad ng Drivers license na talaga nga namang importante sa taong nakalaglag nito. Nakakatuwa at ang dalawang bata na ito ay hindi nasilaw sa materyal na bagay na ito at piniling ibalik ito sa kung sino man ang nagmamay ari nito.

Hinangaan ng madaming netizen ang ipinakitang katapatan ng dalawang batang ito. Sapagkat kung tutuusin ay malaking tulong na ito sa dalawa. Sa perang napulot ay makabibili na sila ng pagkain na nais nilang kainin. Ngunit hindi man lang sumagi sa kaisipan ng dalawang bata ito. Mas pinili nilang ibalik ang wallet sapagkat alam nilang hindi sakanila ito. At maaaring nangangailangan din ang may ari nito.

Ang larawan na ito ay humakot ng samu’t saring reaksyon sa mga netizen. Papuri, kasiyahan, pagmamahal at inspirasyon. Hindi lubos maisip ng ilan na sa murang edad ng dalawa at sa kabila ng kahirapan sa buhay ay pipiliin parin ng mga ito ang magpakabuti.

Maaaring ang ilan sa atin ay biyaya ang makapulot ng mga bagay na hindi sa atin lalo na kung pera sapagkat magagamit natin iyon pambili ng ating mga pangangailangan. Pero sa iba mas magiging biyaya sa kanila yun kung maibabalik nila iyon sa nag mamay ari.

Sabi nga sa lahat ng ating ginagawang desisyon ay dapat nating pag isipan. Dahil sa ating mga gawa nalalaman ang tunay nating kalooban. Hangad ng marami na magkaroon ng marami pang tao na katulad ng dalawang bata na iyon na mas pinili ang maging matapat kaysa ang sariling kapakanan.

 

COMMENTS