Maymay Entrata, bumida sa kanyang first international photoshoot para sa cover ng UAE’s Xpedition magazine.


Maymay Entrata, bumida sa kanyang first international photoshoot para sa cover ng UAE’s Xpedition magazine. Muli na namang napahanga ni Maymay

Jeric Gonzales, inamin na hindi niya inakalang mag-aartista siya dahil chubby at mahiyain ito noon.
Edu Manzano, pinandigan na hindi siya sasakay ng Cebu Pacific hangga’t hindi tinatanggal ang isang Piloto nang-insulto umano kay VP Leni.
Viral ngayon ang video ng aktor na si James Reid, dahil sa paghalik di-umano sa kanya ng isang lalaki!

No photo description available.

Maymay Entrata, bumida sa kanyang first international photoshoot para sa cover ng UAE’s Xpedition magazine.

Muli na namang napahanga ni Maymay Entrata ang buong mundo sa international photoshoot nito para sa UAE’s Xpedition magazine. Tunay na ubod ng talento at galing si Maymay at patuloy na pinapakita ang kanyang angking galing at determinasyon pagdating sa kanyang trabaho.

Hindi lamang isa kundi tatlong cover ng Xpedition magazine features si Maymay suot-suot ang mga gown na dinisenyo ng Dubai-based Filipino designer na si Furne One ng Amato Couture.

Personal naman inimbitahan si Maymay ni Furne One at Josh Yugen, para maging muse ng Pre-Fall 2019 collection. Kabilang sa mga artista na naging kliyente nito ay sina Beyonce, Ariana Grande, Britney Spears, Jennifer Aniston, Katy Perry at Nicki Minaj.

Ang setting ng photoshoot ay ginawa sa Jebel Jais, Ras Al Khaimah na sinasabing pinaka mataas na lugar sa United Arab Emirates. Ito ay kinuhanan ng Dubai-based photographer na si Hosein. Ito ang kauna-unahang international photoshoot ni Maymay ngunit base sa photos ay hindi mo ito mahahalata. Napakaprofessional ang dating at tila bang hindi nito alintana ang taas ng lugar at weather conditions rito.

Saktong nireveal ang mga photos sa Instagram sa 24th birthday nito. Nagcomment pa rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at manghang-manga at tila proud sa galing ng ipinakita ni Maymay sa photoshoot nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Ayon sa Xpedition, @xpeditionmagazine presents @Maymay’s first international cover this 2021 shot in the UAE’s highest peak – the unforgettable place where she was first hailed as an international model, produced by #JoshYugen – the same producer behind her historical and successful Arab Fashion Week debut.” Matatandaan na marami ang tunay na humanga sa pagmomodel ni Maymay sa Arab Fashion Week 2018 sa Dubai na talagang pinalakpakan ng maraming fashion enthusiasts at mga artista.Si Maymay pa lamang ang kauna-unahang Filipina na nakapaglakad sa Arab fashion runway. Isang malaking karangalan ang pagmodel ni Maymay sa UAE at maaari itong magbukas ng pinto para sa iba pang Filipino models sa ating bansa.

COMMENTS