Melissa Ricks ikinasal na sakanyang Fiance na si Michael Macatangatay


Melissa Ricks ikinasal na sakanyang Fiance na si Michael Macatangatay Lahat tayo ay hinihiling na sana isang araw ay matagpuan din natin ang at

Pagiibigang nagsimula sa paghiram ng ‘tabo’, viral sa social media.
Highschool sweethearts, nagkahiwalay ngunit matapos ang tatlong dekada ay pinagtagpo muli. Meant-to-be kaya?
Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.

May be an image of one or more people, people standing, flower, wedding and outdoors

Melissa Ricks ikinasal na sakanyang Fiance na si Michael Macatangatay

Lahat tayo ay hinihiling na sana isang araw ay matagpuan din natin ang ating magiging kabiyak habang buhay. Makakasama sa hirap at ginhawa. Haharap sa altar at magsusumpaan na walang iwanan. Isa ito sa mga pangarap ng maraming kababaihan ngayon.

Kamaikalan nga lang ay napabalita ang ginawang sorpresang proposal ni Michael Macatangay kay Melissa sa Batangas kung saan nasaksihan ito ng kanilang malalapit na kamag anak at kaibigan.

Ang nasabing proposal ni Michael kay Melissa ay naganap nitong August.

Masaya nga daw si Melissa sa nangyaring proposal labis ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon at ibinigay sa kanya si Michael sa di inaasahang oras at panahon.

Matatandaang si Melissa Ricks ay nakilala dahil sa pagsali niya sa isang artista search sa Abs-Cbn na Star Circle Quest. Si Melissa ay ipinanganak noong January 09, 1990. At siya ay anak nina kelly Ricks at Josie Ricks.

Nito nga lang ay muling napabalita ang tuluyan ngang happy ending ng dalawang magkasintahan. Sa instagram post ni Melissa ay ibinahagi niya sa mga netizen ang naging detalye ng kanilang kasal.

Nangyari nga ang kasalang Michael Macatangay at Melissa Ricks nitong May 23. Masayang ibinahagi ni Melissa ang simpleng pagdaraos nila ng kanilang kasal.

Sila umano ang lahat ng nagasikaso ng kanilang kasal mula sa pagkain sa damit at sa maging make up niya siya lang daw ang gumawa noon.

Inabot nga lang daw ang seremonya ng kanilang kasal ng 15 minuto. At mayroon lamang silang labinglimang bisita na talagang malapit sa puso nilang mag asawa.

Ang kanilang reception ay ginanap lamang din daw sa likod bahay ng kaniyang step dad napakasimple lang daw talaga nito.

Mas pinili nga ng magasawa ang simpleng selebrasyon ng kanilang kasal kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan na malapit sa kanila upang masaksihan ang kanilang pagiisang dibdib.

Tunay ngang wala sa pabonggahan o pasimplehan ng pagdaraos ang isang kasalan. Ang importante ay nagkakaintindihan at nagmamahalan ang dalawang taong magiisang dibdib. Hindi kailangang maging bongga upang maging angat sa iba. Ang mahalaga ay ang tunay na pagmamahal at alaala na dadalhin ninyong magasawa hanggang sa pagtanda.

 

COMMENTS