Riva Quenery, kuha ang mga nakakatawang reaksyon ng mga kaibigan sa kanyang pregnancy announcement.


Riva Quenery, kuha ang mga nakakatawang reaksyon ng mga kaibigan sa kanyang pregnancy announcement. Kuhang-kuha sa camera ang mga naging reaksy

AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap.
Jessy Mendiola, iniupload na sa vlog nito ang intimate wedding nila ni Luis Manzano.
Angelica Panganiban, ipinakilala na sa publiko ang nobyo nitong non-showbiz.

May be a closeup of one or more people and people standing

Riva Quenery, kuha ang mga nakakatawang reaksyon ng mga kaibigan sa kanyang pregnancy announcement.

Kuhang-kuha sa camera ang mga naging reaksyon ng mga kaibigan ni Riva Quenery nang magbigay ito ng isang importanteng balita. Gulat na gulat at masayang masaya ang mga kaibigan nito para sa bagong yugto sa buhay ni Riva.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)

Sa bagong upload na vlog ni Riva ay kasama nito ang kanyang nobyo na si Vern Ong. Ibinahagi nito ang moments na ipinaalam nito sa kanilang pamilya at kanyang mga kaibigan ang magandang balita bago pa nito inanunsyo sa publiko. Kabilang sa mga pinagsabihan niya ng kanyang pregnancy announcement ay ang “The House Arrest of Us” co-star na si Kathryn Bernardo at “Make it With You” co-star na si Liza Soberano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)

Inakalang prank ng dalawa sa umpisa ang balitang sinabi ni Riva ngunit nang marealize nilang totoo ito, ay laking gulat at tuwa ang ibinigay nila sa kanilang kaibigan. Biro pa ni Kathryn, ay tinotohanan raw ni Riva ang role nito sa kanilang Netflix Series na “The House Arrest of Us”. Masaya rin naman ang aktres dahil suportado naman ang mga magulang ni Riva sa kalagayan nito. “Yung pinaka-major diyan ‘yung sa parents. Tapos okay sa kanila, okay sa inyo. That’s nice, okay ‘yan. Congratulations,” saad ni Kathryn Bernardo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)

Gayun na lang din ang reaksyon ni Liza Soberano nang malaman nito na hindi pala prank ang announcement ni Riva. Ayon rito, “Oh my God, I’m so happy for you. Oh my God, are you serious? Wait lang hindi to prank ha? … I’m so happy, I am so excited for you.” Iilan sa mga celebrity na pinagsabihan ni Riva ay sina Awra Briguela na tinuturing BFF ni Riva, Ruffa Gutierrez, Arlene Mulach at ang co-star nitong si Alora Sasam. Talaga namang hindi makapaniwala ang mga kaibigan nito ngunit batid rin ang tuwa at pagmamahal para kay Riva. Congratulations sayo Riva Quenery, babies are always a huge blessing!

COMMENTS