Batang nakakaantig ng puso ang kwento ng buhay, nabiyayaan ng mga regalo at tulong.


Batang nakakaantig ng puso ang kwento ng buhay, nabiyayaan ng mga regalo at tulong. Bagamat ang ilan sa kabataan ngayon ay sinisikap maglevel u

Ang sumikat na Community Pantry dahil sa pandemya, nag-celebrate ng ika-1st anniversary nito!
Revenge Body ng babaeng iniwan ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri.
Mahigit 20,000 na bikers ang nagkaisa na bumisita sa bahay ng isang 6-anyos na bata na may cancer.

Batang nakakaantig ng puso ang kwento ng buhay, nabiyayaan ng mga regalo at tulong.

Bagamat ang ilan sa kabataan ngayon ay sinisikap maglevel up sa mga games na pinaglalaanan ng oras, ay mayroon din mga kabataan na nagsusumikap sa murang edad para sa kanilang pangarap.

Mahirap lamang ngunit may pagsisikap, iyan ang sampung taong bata na si Reymark Mariano. Na-feature ang kwento ni Reymark sa programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’, at rito ay marami ang humanga at naispire sa ginagawa ni Reymark. Dahil sa programa ay marami ang nagnais na magabot ng tulong para rito at sa pamilya nito.

Sampung taon lamang si Reymark ngunit nang dahil sa kahirapan ay kinailangan na nitong mag-araro sa bukid araw-araw. Ang lolo at lola niya ang nagaalaga sa kaniya ngunit may katandaan na ang mga ito ay may sakit na kaya naman ay pinasan na ni Reymark ang responsibilidad na kumita ng pera. Kasama ang kanyang kabayo na si Rabanos ay inaararo ng maliliit na kamay ni Reymark ang taniman nila ng labanos. Ayon rito ay sa isang kilo umano ng labanos ay sampung piso ang kinikita nila.

Aminado si Reymark na hirap na siya sa pag-aararo ngunit ayon rito ay handa siyang ipagpatuloy ito para sa kanyang pamilya. Bagamat hindi nito kapiling ang sariling mga magulang ay wala itong hinanakit sa mga ito at sa halip ay umaasa na magkakasama-sama pa muli.

Tunay na nakakanatig ang kwento ni Reymark, at nagbigay tulong ang programa sa kaniya at kanyang pamilya ng school supplies, grocery mga hayop na maaalagaan, mga fruit trees pati na rin government assistance tulad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. May mga ibang mamamayan rin ang tumulong sa kanila tulad ng grupo ni Jed Brent Baltazar na nagbigay ng bagong kabayo, bigas at groceries para sa pamilya.

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

📷photo credit to Ronz Yuzon – www.facebook.com/ronz.yuzon

Marami rin ang namulat sa katotohanan na maraming Pilipino ang naghihirap lalo na ngayong panahon ng pandemya. Kapupulutan rin ng inspirasyon ang kwento ni Reymark na sa murang edad ay may pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pamilya sa kabila ng kahirapan. Panoorin ang video rito.

COMMENTS