Bonggang pasabog sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz kasama si Willie Revillame


Bonggang pasabog sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz kasama si Willie Revillame Muli ngang umugong ang pangalan ni si John Lloyd Cruz sa Social me

LizQuen, meron pala sanang ka-tambal na bagong love team sa ‘Make It with You’?
Isang aktres na halos butot balat na lamang dahil sa paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend.
Julia Barretto at Gerald Anderson, nagpakita na sa publiko bilang magkasintahan at humanitarian.

May be an image of one or more people, people standing and text

Bonggang pasabog sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz kasama si Willie Revillame

Muli ngang umugong ang pangalan ni si John Lloyd Cruz sa Social media ng makita ang mga larawan nito kasama si Willie Revillame.

Marami ang lumabas na espikulasyon na babalik na nga daw ito sa pag arte at sa showbiz industry na kaniya na ngang iniwan noon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm)

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na matapos mapabalita ang nasabing pagbubuntis at pagkakaroon ni Jhon Lloyd Cruz ng anak kay Elen Adarna ay pinili na nitong iwanan ang buhay showbiz.

Nanirahan nga si John Lloyd Cruz sa probinsiya kasama ang kaniyang live in partner na si Ellen Adarna at ang anak nilang si Elias Modesto. Ngunit hindi rin nagtagal ay napabalita na hiwalay nadin ang dalawa.

John Lloyd Cruz

📷photo from philnews

Halos limang taon ngang namahinga si John Lloyd Cruz sa mundo ng showbiz. At nito nga lang ay umugong muli ang balitang pagbabalik niya sa industriya ng showbiz.

Sa instagram post ng isang kapuso girl ay makikita ngang magkasama si John Lloyd Cruz at Willie Revillame sa larawan. Naandun din ang aktor direktor na si Bobot Mortiz , sa nasabing larawan ay mukha ngang may dapat abangan ang mga tagahanga ni John Lloyd.

📷 photo source: mb.com

Makikita din sa larawan na mukhang nagkapirmahan at nagkasundo na ang dalawa dahil sa mga dokumento at ballpen na nasa harapan nila. Nakuhaan din ang pag shake hands ng dalawa at ang pag abrub ni direk Bobot Mortiz na tila ba senyales na ayos na ang lahat.

Ngunit bago pa ang lumabas na mga larawan na ito sa instagram ay minsan ng namataan na magkasama ang dalawa sa Resort ni Willie sa Puerto Galera. Kung saan sila daw ay nagkaroon ng heart to heart talk.

Wika pa ni Willie ay kinamusta lamang daw niya ang kaibigang si John Lloyd nakapag usap nga daw sila tungkol sa buhay ng isat isa. At kasama na nga daw doon ang pagtanong niya kung bakit daw huminto si John Lloyd sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm)

Wala naman daw atubiling sinagot ito ni John Lloyd ng “’Burnout na daw siya. Yun nalang ang ginagawa niya araw-araw. ‘Pag gising shooting. ‘Pagtulog , ‘paggising , shooting.’ ‘Yun bang binigyan niya ng halaga ‘yung sarili niya Kwento ni Willie.

Sinang-ayunan naman ni Willie Revillame ang dahilang ito ni John Lloyd tama naman daw na dapat bigyang halaga ang sarili.

Dahil dito ay sobrang excited na ang mga fans ni John Lloyd sa malaking pasabog sa pagbabalik nito sa showbiz. Lalo nat talaga namang pinaghahandaan na ito ng kaniyang bagong talent agency na Crown Artist Management na pag mamay ari ni Maja Salvador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm)

At mukhang tiyak nadin na makikita si John Lloyd Cruz sa show ni Willie Revillame sa GMA 7 na “Wowowin Tutok to Win”. Dahil nga sa mga kuhang larawan ng dalawa.

Hiling ng mga Kapuso fans ni John Lloyd na sana nga ay hindi lang sa Wowowin nila makita ang aktor. Sana daw ay magkaroon ito ng teleserye kasama ang mga bigating star ng GMA 7.

Sa ngayon ay matiyagang nagiintay ang mga Fans ni John Lloyd Cruz aa kaniyang pagbabalik showbiz. At excited na sila sa mga pasabog nito sa kaniyang pagbabalik industriya.

 

COMMENTS