Kinikilig na babaeng Airforce reservist mula sa post ni JM De Guzman, usap-usapan!


Kinikilig na babaeng Airforce reservist mula sa post ni JM De Guzman, usap-usapan! Hindi nakatakas sa mga netizens ang isang larawan ng babaeng

Erich Gonzales, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanyang masayang buhay kasama ang kanyang asawang Afam!
‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia, bentang-benta sa netizens!
Herlene Budol, ipapakita ang kanyang ‘Tempura Walk’ sa darating na Binibining Pilipinas 2022.

May be an image of one or more people and people standing

Kinikilig na babaeng Airforce reservist mula sa post ni JM De Guzman, usap-usapan!

Hindi nakatakas sa mga netizens ang isang larawan ng babaeng Airforce reservist na tila nahihiya at kinikilig sa mga titig ni JM De Guzman. Sino nga ba ang makakaresist sa mga tingin ng batikang aktor?

Nung nakaraang taon ay nag-undergo si JM De Guzman ng Philippine Airforce, Special Basic Citizen Military Training CL-2020. Ipinakita nito sa Instagram ang ilan sa mga kaganapan noong graduation ceremony nila. Ayon rito ay handa na umano ito magsilbi sa bansa at tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan. Nagkaroon ito ng kaalaman at panibagong respesto sa mga sundalo natin na dumaan sa matinding training.

May be an image of one or more people and outdoors

JM De Guzman Nov. 2020 Training. Photo credit: @1migueldeguzman

Sa taong ito naman ay nagsilbi si JM De Guzman bilang instructor o VRI (Voluntary Reservist Instructor) para sa mga bagong Airforce reservists ng bansa. Ayon sa caption nito ay proud umano ang aktor sa mga bagong salang na PH Airforce reservists.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)

Ngunit para sa mga matanglawin ang mata, ay napansin ng ilang netizens na photo kung saan ay may tinititigan itong babaeng reservist. Tila nahihiya ang babae habang nakatingin rito si JM De Guzman. Marami ang nagkomento na ramdam na ramdam raw ng mga netizens ang ‘kilig’ sa titig ng aktor at nakakarelate sa sitwasyon.

May be an image of 2 people, people standing, military uniform and outdoors

JM De Guzman May 2021 Voluntary Reservist Instructor. Photo credit: @1migueldeguzman

Isa sa mga IG user na nagkomento, “Yung hirap [na] hirap ka na sa training pero umaapaw yung kilig.”

ramdam ko yung kilig ni ate HAHAHA SANA ALL!!”

No photo description available.

JM De Guzman May 2021 Voluntary Reservist Instructor. Photo credit: @1migueldeguzman

Nakakainspire isipin na bagamat artista ay may pagmamalasakit ito sa ating bansa. Tinuunan nito ng pansin ang pagttraining at pag tulong sa mga bagong reservist. Ilan sa mga netizens na nakakita ng post ng aktor ay nagpahayag na ng interes na sumali at maging PH Airforce reservist.

Ilan sa mga celebrity na kumuha rin ng PAR ay ang aktres at bestfriend nitong si Arci Munoz. Matatandaan na nagsagawa ang dalawa ng ‘prank’ kung saan ay inakala ng marami na may relasyon na silang dalawa. Sa kabilang banda, natapos na rin ni Winwin Marquez ang kanyang Naval Reservist Training.

COMMENTS