Yan ang Pinoy! Dalawang Singapore-based na Pilipino, panalo sa World Gourmet Awards.


Yan ang Pinoy! Dalawang Singapore-based na Pilipino, panalo sa World Gourmet Awards. Isang malaking tagumpay ang nakamit ng dalawang Singapore-

Pambihirang Ganda at talino ng isang Pinay nagpahanga sa maraming Netizen
Kapalaran ng isang parking boy, nabago nang dahil sa ginawa nitong kabutihan at katapatan.
DJ Loonyo, ibinahagi ang mga biyaya na bunga ng mga paghihirap niya.

No description available.

Yan ang Pinoy! Dalawang Singapore-based na Pilipino, panalo sa World Gourmet Awards.

Isang malaking tagumpay ang nakamit ng dalawang Singapore-based na Pinoy sa World Gourmet Awards (WGA). Kahanga-hanga ang galing na ipinamalas ng dalawa na nagkamit ng panalo sa kani-kaniyang expertise sa industriya ng hospitality.

Si Chef Johanne Siy ay pinarangalan na MKN Female Chef of the year para sa kanyang culinary excellence pagdating sa kitchen operations at dedikasyon sa paglikha ng quality dishes. Nadiskubre niya ang kanyang passion sa culinary matapos makapagtrabaho sa Europa. Nagaral siya sa Culinary Institute of America at natuto sa mga culinary giants tulad ni Chef Eric Ripert at Chef Daniel Boulud sa Le Bernardin.

Dumating ang panahon ay lumipad siya sa Singapore at dito ay ipinakilala niya ang mga natutunan sa Europa. Mula sa mga farms sa Scandinavia at mga techniques na natutunan niya sa mga world-renowned chefs, ay ginamit niya ang mga ito sa pagtatrabaho niya sa Singapore. Nagtrabaho rin siya ng apat na taon sa Restaurant Andre sa pamumuno ng sikat na chef sa Singapore na si Chef Andre Chiang.

Si Remz Ocampo ay nakatangap ng Borders Distillery Mixologist of the Year Award. Noong kolehiyo nadiskubre ni Remz ang kanyang passion sa bartending at dito sa Pilipinas mismo ay hinasa ni Ocampo ang kanyang kaalaman sa bartending. Isa sa mga naging impluwensya sa kanyang estilo sa bartending ay si Brando Tanauan, founder sa Organization of Bar Professionals. Naging top 3 rin siya sa Bartenders Mixology Master na isinagawa ng Philippine Bartender’s League Inc. Siya ngayon ay nagtatrabaho sa The Spot sa Singapore.

Tumanggap ng mga nominado ang World Gourmet Awards mula sa mga professionals sa industriya ng hospitality at open voting para sa publiko ang isinagawa para sa pagpili ng mga nanalo sa WGA. Isang malaking karangalan ang pagkapanalo nila Siy at Ocampo, hindi lamang inspirasyon kundi ito’y nagbibigay daan para sa iba pa nating kababayan na nasa industriya. Mabuhay! Congratulations Chef Johanne Siy at Remz Ocampo.

 

 

COMMENTS