Lalaking iisa ang paa, pinabilib at naka one-on-one pa ang Pinoy Sakuragi na si Mark Pingris.


Lalaking iisa ang paa, pinabilib at naka one-on-one pa ang Pinoy Sakuragi na si Mark Pingris. Basketball ang isa sa mga laro na talaga namang p

Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.
Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.
Glow-up ng isang babaeng iniwan at madalas saktan ang kanyang mister noon, OFW na ngayon at mala-diyosa na ang ganda!
May be an image of 2 people, people standing and text

screenshot from Kapuso Mo, Jessica Soho

Lalaking iisa ang paa, pinabilib at naka one-on-one pa ang Pinoy Sakuragi na si Mark Pingris.

Basketball ang isa sa mga laro na talaga namang paboritong-paborito ng mga Pinoy. Maliban sa galing sa pagsho-shoot ng bola ay kinakailangan rin na mabilis kang gumalaw at tumakbo ang manlalaro nito. Subalit papaano kung ang manlalaro ay kulang ng isang paa?

May be an image of 1 person

screenshot from Kapuso Mo, Jessica Soho

Marami ang bumilib sa powerforward player ng Las Pinas City na si Edito “Teng” Wenceslao matapos matampok sa programa ng GMA na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ ang kanyang kwento. Puno ng pangarap at determinasyon ang 39-taong gulang na basketball player. Bagamat isa lamang ang paa nito ay kayang-kaya nito makipagsabayan sa larong basketball. Siya ang isa sa mga patunay na walang makakapigil sa taong determinado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by HOOPJUNKIE (@hoopjunkie)

Mula sa Leyte ay lumuwas si Teng sa Maynila upang makipagsapalaran. Paboritong-paborito ni Teng ang larong basketball subalit sa isang aksidente noong siya ay nagtatrabaho bilang pahinante ay kinailangan putulin ang kanyang kanang paa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by HOOPJUNKIE (@hoopjunkie)

Aminado itong may punto sa buhay niya na nadepress ito ngunit sinikap nitong tumayo at harapin ang laban ng buhay. Nakapagadjust na si Teng ngayon at binubuhay ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagmemekaniko. Proud na proud rito ang asawa dahil isang responsible at mapagmahal na ama si Teng. Hindi nito alintana ang kalagayan ng asawa dahil kayang-kaya nito gawin ang mga bagay ng walang hirap.
Mahilig rin makipaglaro si Teng sa mga kaibigan niya sa kanilang lugar ng basketball. Na-upload ang video ni Teng na naglalaro at marami ang talaga namang bumilib sa kanya. Isa sa mga nakapansin sa galing ni Teng ay ang Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by HOOPJUNKIE (@hoopjunkie)

Naging daan ang Kapuso Mo, Jessica Soho upang maka one-on-one ni Teng ang kanyang idolo na si Marc Pingris. Enjoy na enjoy si Teng sa laro nila ni Marc Pingris at liban sa pagbisita nito ay niregauhan siya nito ng bagong sapatos, jersey at pinasukatan ng bagong prosthetic leg. Dagdag pa rito ay ang isang bagong e-bike na paniguradong makakatulong sa pagbbyahe ni Teng.

May be an image of 1 person and scooter

screenshot from Kapuso Mo, Jessica Soho

Kung minsan ay inaakala natin na wala nang paga-asa ang ating mga pinapangarap, narito ang isang lalaki na bagamat isa lamang ang paa ay patuloy pa rin sa kanyang paglalakbay upang maabot ito.

COMMENTS