Batang Pinoy na nagpakitang gilas sa America’s Got Talent, malayo raw ang mararating.


Batang Pinoy na nagpakitang gilas sa America's Got Talent, malayo raw ang mararating. Likas na sa ating mga Pinoy ang pagkahilig sa musika, kay

Viral walking hotdog vendor sa Makati, isang inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Rita Gaviola na mas kilalang si Badjao Girl, mas maganda ng ang buhay ngayon.
Batang inabandona noon ng sariling magulang, isa nang matagumpay na Scientist sa Amerika ngayon.
May be a closeup of 2 people, people standing and text that says '。Bym m By ♪ All by myself'

📷screenshot from America’s Got Talent YouTube Channel

Batang Pinoy na nagpakitang gilas sa America’s Got Talent, malayo raw ang mararating.

Likas na sa ating mga Pinoy ang pagkahilig sa musika, kaya naman madami sa atin ang may talento pagdating sa pag-awit. Sa katunayan nga niyan ay madami sa atin ang sumasali sa mga pa-contest ng ibang bansa, tulad nalang ni Marcilito Pomoy na kahit hindi man niya nakuha ang pagiging kampyeon ay pinahanga parin niya ang buong mundo sa kanyang angking talento. Hindi pa man nakaka-move on ang mga Pinoy kay Marcelito ay may isa nanamang Pinoy ang nagpapakitang gilas sa larangan ng musika.

May be an image of 1 person and text

📷screenshot from America’s Got Talent YouTube Channel

Ang sampung taong gulang na si Peter Rosalita ay kasalukuyang contestant ng America’s Got Talent Season 16 matapos itong makatanggap ng masibagong palakpakan at standing ovation mula sa mga hurado ng nasabing contest. Napatayo at napahanga ang mga hurado ng AGT na sina Heidi Klum, Howie Mandel, Sofia Vergara at Simon Cowell habang kinakanta at binibirit ni Peter ang kanyang audtion piece na “All By Myself” ni Mariah Carey.

May be an image of 1 person, standing and text

📷screenshot from America’s Got Talent YouTube Channel

Bago pa sumalang sa audtion si Peter ay pinakilala na nya ang kanyang sarili na bagamat isinilang siya sa Abu Dhabi, UAE ay ipinagmamalaki umano niya ay isang Filipino Citizen sa mga hurado at sa buong mundo. Ibinahagi din niya ang naramdaman niyang kaba habang siya ay nakatayo sa intablado ng AGT.

May be an image of child, standing and text

📷screenshot from America’s Got Talent YouTube Channel

Kinagiliwan naman si Peter ng mga hurado ng ibahagi nito sa kanila na kapag siya ang nanalo sa contest ay nais niyang ibili ng laptop na gagamitin niya sa online schooling at Nintendo Switch ang mapapanalunang premyo.

Ayon sa komento ng hurado na si Heidi, kinabahan daw ito habang kumakanta si Peter dahil baka daw sa sobrang galing at taas ng boses ng bata ay may mabasag itong salamin.

May be an image of 1 person, standing and text that says '♪ Anymore'

📷screenshot from America’s Got Talent YouTube Channel

Isa pa sa hurado na labis na humanga kay Peter ay si Simon Cowell na kilala ng karamihan na mahigpit at mahirap mapahanga pero nagawa ito ni Peter. Ayon kay Simon, nagustuhan niya ang audition ni Peter at sa katunayan nga niyan ay kinilabutan siya habang kumakanta ito. Dagdag pa ni Simon na may magandang boses at may malakas na energy si Peter na dahilan para madami ang humanga sa kanya pagkatapos ng kanyang audition.

Pasok na si Peter sa susunod na round ng kompetisyon matapos siyang makakuha ng apat na “yes” sa kanyang audtion.

May be an image of 3 people, people standing and indoor

📷screenshot from America’s Got Talent YouTube Channel

Nagbigay naman ng mensahe at pasasalamat si Peter sa kanyang facebook account para sa mga taong sumuporta at naniwala sa kanya.

“Happiness comes in many forms and I am so blessed to have found it doing what I love the most-singing. I have #AGT to thank for making a small boy’s dream of having the world hear his big voice come true. Much love to all who support and believe in me.”

Narito at panoorin ang kanyang audition video.

 

COMMENTS