Ingleserong pulubi noon, namimigay na ng pagkain sa street dwellers ngayon.


Ingleserong pulubi noon, namimigay na ng pagkain sa street dwellers ngayon Natatandaan nyo pa ba si Berta o Roberto Planado Jr., ang ingleseron

Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama.
Ivana Alawi’s latest prank serves as an eye opener to all and calls a random stranger, ‘tatay’ after what he did.
P1 Million ang naipon ng isang OFW nang magdesisyon itong ihinto ang paninigarilyo at online games.

May be an image of 2 people, people standing and text

Ingleserong pulubi noon, namimigay na ng pagkain sa street dwellers ngayon

Natatandaan nyo pa ba si Berta o Roberto Planado Jr., ang ingleserong pulubi sa Cebu?. Minsan ng naipalabas sa programa ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho ang kwento ng buhay ni Berta pero una na nagviral ang video nito sa social media. Ang nasabing video ni Berta na nagviral sa social media ay ang pakikipag-usap nito sa isang netizens sa wikang ingles.

 

 

Ayon sa kwento ng buhay ni Berta sa KMJS, halos 17 taon din siyang nanirahan sa lansangan ng Cebu at ang tanging bumubuhay at nagpupuno ng kanyang kumakalam na sikmura ay ang paglilimos sa mga tao doon. Naaaliw naman ang karamihan sa mga tao na hiningan ni Berta ng pagkain at pera dahil nga sa husay nito sa pagsasalita at pakikipag-usap sa wikang Ingles.

Naikwento din sa KMJS na dati palang guro si Berta at ito marahil ang dahilan kung bakit mahusay ito magsalita ng Ingles. Hindi umano pinalad at nasawi sa pag-ibig si Berta at ito siguro ang dahilan kung bakit nawala sa tamang pag-iisip at naging palaboy na lamang ito sa mga kalye ng Cebu.

Isa namang vlogger sa kataohan ni Anton Camilo ang nakakilala at itinuring na kuya si Berta kahit na ito ay isang palaboy lamang sa lansangan ng Cebu. Si Anton din ang gumawa ng paraan para maipasok si Berta sa Safe Haven, isang treatment recovery village, kung saan dito na ito maninirahan at gagamutin din.

Makalipas ang isang buwan na paninirahan ni Berta sa Safe Haven, ay makikita ang malaking pagbabago sa kanyang hitsura at pangangatawan at nakakausap na rin ito ng maayos. Sa katunayan nga niyan ay kamakailan lang ay nakita itong kasama ng ibang staff ng Safe Haven na namimigay ng pagkain sa mga pulubi sa lansangan ng Fuente Osmena sa Cebu.Sa tulong ng grupo ng Battle Against Ignorance Foundation Inc. at Safe Haven ay nag organisa sila kasama si Berta ng isang feeding program kung saan namigay sila ng mga pagkain sa mga matatanda at batang pulubi sa lansangan sa may Cebu.

Talaga namang nakakahanga ang ginawang pagtulong ni Berta sa kanyang sarili para siya ay gumaling at kay Anthon na din na naging daan para maging maayos na ang pamumuhay ni Berta. Sinong mag-aakala na ang dating pulubi na namamalimos lang noon sa lansangan ay isa na sa mga taong nagbibigay ng pagkain sa mga street dwellers ngayon. Panoorin ang video rito.

 

COMMENTS