Magkasintahan na nagipon ng barya, umabot na sa isang Milyon!


Magkasintahan na nagipon ng barya, umabot na sa isang Milyon! Isa sa pinapangarap ng lahat ang makapagipon upang may madudukot sa panahon ng ka

Doktor sa Pennsylvania, nagsusuot ng Superman costume tuwing nagtuturok ng COVID-19 vaccine.
Kilalanin ang confidently beautiful na Miss Ecuador 2021 candidate na walang dalawang braso at kaliwang binti.
Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.

May be an image of 3 people and indoor

Magkasintahan na nagipon ng barya, umabot na sa isang Milyon!

Isa sa pinapangarap ng lahat ang makapagipon upang may madudukot sa panahon ng kagipitan. Ngunit bakit sadyang napakahirap naman para sa marami ang gawin ito. Yung bang nasa isip mo lang pero ang hirap isabuhay at isagawa. Maganda ngang mag ipon sapagkat maaari mo itong magamit sa oras ng kagipitan.

Isa pa sa kagandahan ng pag iipon ng pera ay mabibili mo ang ninanais mo at magagamit mo din ang pera sa iyong buhay sa hinaharap. Pero sadyang marami satin ang hirap gawin ito sapagkat walang kaalaman sa pag iipon at sadyang waldas sa pera na hindi mapigilang bilhin ang kaniyang mga luho. Ang ilan naman ay gustong mag ipon ngunit dahil sa baba ng sahod ay malabo talaga itong magawa dahil ilalaan nalang ito sa gastusin at pag kain.

Ngunit iba ang ipinamalas na kasinupan ng magkasintahang si Yona Abela at Kit Cunanan sa pagiipon ng pera. Pinatunayan ng magkasintahan na posible itong mangyari basta determinado kang gawin at syempre ang pinakamahalaga sa lahat ay ang disiplina sa sarili.

Nagviral nga ang magkasintahan sa social media kung saan madaming netizen ang humanga sa kanilang ginawang pagiipon. Umabot nga sa isang Milyong Piso ang ipon ng magkasintahan sa pagiipon nila ng pabarya barya. Inisip daw umano nila na imbis na bumili ng kung ano-ano bakit daw hindi nalang kaya nila ito ipunin para magamit nila sa kanilang kinabukasan ang perang maiipon.

Tila ito na nga daw ang pinakamagandang relationship goal na nagawa nilang magkasintahan ngayong panahon ng pandemya. Lalo pa nga daw tumibay ang kanilang relasyon.

Nagbigay din sila ng payo sa mga tulad nilang gustong magipon ngunit hindi masimulan. Maghanap daw ng “ Ipon Buddy” na talagang tutulungan silang makapag ipon. Sapagkat mas nakakainspire daw ito at magiging mas madali ang pag iipon na gagawin.

Marami ngang netizen ang bumilib sa dalawa at hinihiling na magawa din nila ito. Tunay ngang nakapaghikayat ng madami ang kuwento ito ng magkasintahan.

 

 

 

 

COMMENTS