OFW sa France, dati palang janitor at ngayon ay may magarang mansion ang naipundar sa Pampanga.


OFW sa France, dati palang janitor at ngayon ay may magarang mansion ang naipundar sa Pampanga. Lahat ng paghihirap at pagtitiyaga ay tiyak na

Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition
Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
Batang inabandona noon ng sariling magulang, isa nang matagumpay na Scientist sa Amerika ngayon.

May be an image of 1 person

OFW sa France, dati palang janitor at ngayon ay may magarang mansion ang naipundar sa Pampanga.

Lahat ng paghihirap at pagtitiyaga ay tiyak na magbubunga basta’t hindi susukuan ang mga pangarap. Ganyan na ganyan ang ginawa ng magasawang OFW sa Paris, France na ngayon ay nagkaroon na ng sariling bahay at lupa sa Pampanga. Maging si Raffy Tulfo ay humanga sa laki at ganda ng bahay na napagawa ng mag-asawa.

No photo description available.

Si Arnold Mojica at ang pamilya nito ay kasalukuyang nasa Paris, France upang maghanap-buhay. Naipakilala sila sa madla sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo, at maging ito ay bumilib sa naabot ng mag-asawa. Aniya, ay tunay na ‘Rags-to-Riches’ ang kwento ni Arnold.

May be an image of 4 people and people smiling

Nagsimulang magtrabaho sa Paris si Arnold noon 1993 at ayon rito ay hindi pa maayos ang mga papeles nito nang mga panahon na iyon. Sa isang restaurant siya nagtatrabaho, at dahil sa hindi pa maayos ang papeles ay kinakailangan niyang itigil ang pagtatrabaho tuwing may dumaraan na checker. Simula noon ay patuloy ang pagtatrabaho ng mag-asawa at ngayon ay maraming negosyo nang nasimulan. Isa sa mga negosyo nila ay ang janitorial services na naging stepping stone sa pagdaragdag pa nila ng ibang negosyo tulad ng construction supply.

No photo description available.

Nagbunga naman ang pagsisikap ni Arnold dahil ang janitor noon, ngayon ay negosyante na at nakapagpundar na ng sariling mansion sa Pampanga.

No photo description available.

Maski si Raffy Tulfo ay napa-‘wow’ sa 3,000 square meter na pagmamayari nila Arnold. Ang bahay ay mayroong limang bedrooms at may garage na kayang mag accommodate ng higit pa sa apat na sasakyan.

No photo description available.

Marami sa atin ngayon ang matinding kumakayod upang maabot ang mga pangarap. Sa bawat pagsubok na darating ay hindi tayo dapat manghina at sumuko. Isa si Arnold sa mga kababayan natin na kailangan natin ipagpatuloy ang pagsisikap upang magbunga ng kaginhawaan para sa ating pamilya. Sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo ay naibahagi sa atin ang isa na nanamang kwento na kapupulutan ng inspirasyon at pag-asa.

credits to:

📷credit: Arnold Mojica <a href=”https://www.facebook.com/photo.php?fbid=348076362199168&amp;set=pb.100009904209456.-2207520000..&amp;type=3″>Facebook</a>

📷credit: ASM Hardware &amp; Construction Supply <a href=”https://www.facebook.com/ASM-hardware-construction-supplies-109470530857082/photos/pcb.229752295495571/229752202162247/”>Facebook</a>

📷 screenshot from <a href=”https://www.facebook.com/raffytulfoinaction/videos/878213309435704″>Raffy Tulfo in Action</a>

 

COMMENTS