Ina na iginagapang ang buhay at nakatira sa sira-sirang bahay kubo, nakatanggap ng tulong mula sa isang vlogger.


Ina na iginagapang ang buhay at nakatira sa sira-sirang bahay kubo, nakatanggap ng tulong mula sa isang vlogger. Ilan sa ating mga kababayan ay

Batang Pinoy na nagpakitang gilas sa America’s Got Talent, malayo raw ang mararating.
Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition
Ivana Alawi’s latest prank serves as an eye opener to all and calls a random stranger, ‘tatay’ after what he did.

May be an image of 2 people and outdoors

Ina na iginagapang ang buhay at nakatira sa sira-sirang bahay kubo, nakatanggap ng tulong mula sa isang vlogger.

Ilan sa ating mga kababayan ay nakakaranas ng matinding paghihirap at nagtitiyaga na lamang sa kung ano ang makakain sa pang-araw araw. Sila ang mga kababayan natin na tunay na nangangailangan ng tulong at oportunidad na makaraos sa buhay. Sa tulong ng isang vlogger ay nabigyan nito ng pagasa ang isang ina na magisang tinataguyod ang mga anak sa kabila ng kalagayan nito.

Sa vlog ni Virgelyncares, ay ipinakita nito ang kwento at kalagayan ni nanay Gina, na magisang tinataguyod ang dalawang anak. Hindi nakakalakad si nanay Gina kaya naman ay gumagapang ito upang makagawa ng gawaing bahay at makapag saing ng kakainin nila.

No photo description available.

Naabutan ni Virgelyn ang panganay na anak ni nanay Gina na papunta sa bukid. Ito umano ang nagtatrabaho para sa pamilya ngunit katulong lamang ito sa bukid at maliit ang kinikita. Ang bunsong babae naman ay namataan ni Virgelyn na naghahanap ng makakain sa mga tanim sa paligid. Ito na lamang umano ang ginagawa nila upang may makain.

Nang makarating sa bahay ng mag-ina ang vlogger ay agad nitong inalam ang kalagayan ng kanilang pamilya. Nalaman nito na hindi pala nakakalakad si Nanay Gina dahil paralisado ang mga binti nito. Ang bunsong anak na babae ang tumutulong sa kaniya sa mga gawaing bahay.

No photo description available.

Napansin rin ni Virgelyn na sira-sira na ang kubo na tinitirahan ng pamilya. Butas-butas ang bubungan at walang maayos na higaan at lutuan. Ayon kay nanay Gina at binagyo umano ang kanilang bahay ngunit dahil sa wala naman silang pera na pampaayos ay hinayaan nalaman nila ito. Iniwan na rin sila ng ama ng kanyang mga anak dahil hindi na raw maibigay ni nanay Gina ang gusto ng asawa.

Napaluha naman ni Virgelyn sa kwento ng buhay ni nanay Gina at ng pamilya nito. Bagamat walang-wala ay sama-sama pa rin ang pamilya at nagmamahalan.

May be an image of 1 person

Sa tulong ni Virgelyn at ng mga sponsor nito ay nagbigay ito ng munting regalo para sa mag-ina. Nagbigay ito ng dalawang sakong bigas at tulong pampinansyal. Isang malaking biyaya para sa pamilya ang dumating at nawa ay patuloy pa natin tulungan ang mga kababayan natin na talaga namang humaharap ng malaking pagsubok sa buhay.

Panoorin ang buong video rito.

 

 

📷Ang mga photos ay screenshot mula sa vlog ni Virgelyncares 2.0.

 

COMMENTS