Kristel Fulgar, magdidirek umano ng Fil-Korean web series!


Kristel Fulgar, magdidirek umano ng Fil-Korean web series! Inanod ng K-drama fever ang buong mundo, at maski ang Netflix ay nagbuhos ng kanilan

Comedian na si Jose Manalo, may anak palang ubod ng ganda at lisensyadong doktor! Beauty and brains!
Kilalanin ang Anak ng dating Pba star na isa nang ganap na Pinay Basketball player.
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

No photo description available.

Kristel Fulgar, magdidirek umano ng Fil-Korean web series!

Inanod ng K-drama fever ang buong mundo, at maski ang Netflix ay nagbuhos ng kanilang budget para sa mga Korean Series. Isa sa mga K-drama fans ay ang artistang si Kristel Fulgar na talaga namang hindi itinago ang paghanga sa Korean actors at actresses.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Kristel ang isa sa mga big projects na natanggap niya, ang pagdidirek ng upcoming Filipino-Korean web drama na “Love from Home”. Proud na nireveal ni Kristel na kabilang siya sa web series na ito, “Yes. I may not be in the photo but I can proudly say that I am one of the people behind this project.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar)

Ayong sa singer-vlogger ay hindi nito inaasahan na magkakatotoo ang isa sa mga pangarap niyang abutin sa kanyang karera. Pagbabahagi nito, “Yung isa sa malaking pangarap lang sa’kin dati as a K-drama fan, possible palang mangyari.”

Tiyak na kuhang-kuha ni Kristel ang tamang amount ng kilig at drama na papatok sa mga Pilipino lalo na’t isa rin siyang K-drama fan. Hindi rin malilimutan na may angking talento si Kristel sa pagkanta, kaya’t maliban sa pagiging direktor ng series ay siya rin ang kumanta ng theme song nito na pinamagatang, “Smile Again.” In Collaboration naman rito ang kanyang kaibigan na si Yohan Kim, o ang tinatawag ni Kristel na si ‘Big Boss’ sa kanyang mga vlogs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar)

Nagbigay pasasalamat rin ang ‘Going Bulilit’ alum sa mga taong sumuporta sa kanya at hinihiling na tangkilikin ng mga kababayan natin ang isang drama series na tiyak kagigiliwan ng lahat.

This won’t be possible without @o.c.tv and the help and support of Big Boss @yk20k 🙏🏻 At sa aking mga kababayang Pilipino, sana masuportahan po natin ang sariling atin. ️”

Ipinalabas na ang ‘Love from Home’ simula June 4 sa YouTube at nakatanggap ito ng marami positibong komento mula sa mga netizens. Subaybayan natin ang nakakatuwa at nakakakilig na kwento ni Teacher Jana sa ‘Love from Home’.

 

COMMENTS