Estudyanteng nagbebenta ng snacks sa eskwelahan upang may pang tuition, proud graduate na!


Estudyanteng nagbebenta ng snacks sa eskwelahan upang may pang tuition, proud graduate na! Diskarte ang naging daan upang makagraduate ang isan

Natustusan ng isang binatilyo ang kanyang pagaaral sa pagiging jeepney driver noon.
Ivana Alawi’s latest prank serves as an eye opener to all and calls a random stranger, ‘tatay’ after what he did.
Magasawa na nagtitiis sa isang 7-peso corned beef pack pantawid-gutom noon, nakamit na ang tagumpay ngayon.

Estudyanteng nagbebenta ng snacks sa eskwelahan upang may pang tuition, proud graduate na!

Diskarte ang naging daan upang makagraduate ang isang estudyante na nagbebenta ng chicharon at mani sa kanilang paaralan. Karaniwan sa mga mag-aaral ay bitbit ang kanilang mga homework at nakikipag kwentuhan sa mga kaklase tuwing recess ngunit para sa isang dalagita, ito ang panahon upang makabenta siya.

Mula sa isang facebook user na si Jemaima Joy Salas ang inspiring story ng estudyanteng pinagsasabay ang pagbebenta at pagaaral. Sinusulit ang bawat sandali ay bitbit umano ni Salas papunta klase ang kanyang mga paninda. Ito ay noong college days ni Salas at ang binebenta niyang mani, chicaron, kropek at iba pang snacks ay upang may panggastos siya sa kanyang pagaaral.

Lady Student

Sa Laguna University nagaral si Salas at isa ito sa mga pinasalamatan niya dahil pinayagan siya ng eskwelahan na magbenta sa loob ng campus. Pinasalamatan rin ni Salas sa kanyang post ang kanyang yumaong ina. Nagpasalamat rin siya sa kanyang mga teachers at kapwa magaaral dahil sa laki ng tulong ng mga ito upang maabot ang kanyang mga pangarap. Nakapagtapos ng Bachelor of Science in Entrepreneurship si Salas. Basahin ang kanyang naging mensahe rito:

 

Maraming salamat sa mga suki ko Students ng dahil senyo naabot ko ang pangarap ko. Tutupadin ko padin soon pag wala ng covid ang FREE CHICHARON.

Sa mga kabataan nangangarap walang imposible. Tupadin mo ang pangarap mo makatapos ng pagaaral.

Tulad din ako ninyo na takot na takot sa una . Tulad din ako ninyo na nagsabi HINDI KO KAYA.

Tulad din ako ninyo na HINDI NANIWALA.

Pero kung sisimulanmo ang lahat, At susubukan umalis sa comfort zone mo don mo makikita na KINAYA MO PALA.

Lagi mo lang isama ang Diyos sa buhay mo dahil SYA at ang panalangin mo ang tutulong sayo para maabot mo ang isa sa mga pinapangarap mo.

LABAN LANG!

-MAPAPAGOD PERO BAWAL SUMUKO.

-MADADAPA PERO BABANGON.

-MAWAWALAN NG PAGASA PERO SA DIYOS PADIN MAGTITIWALA.

Bachelor of Science in Entrepreneurship

To GOD be all the Glory! ”

 

Maraming Netizen ang nadama ang pagsisikap na ginawa ni Salas upang makagraduate. Tiyak na maraming pagsubok rin ang kinaharap nito ngunit hindi pa rin ito sumuko at patuloy lamang ang pagsisikap para maabot ang tagumpay na inaasam.

COMMENTS