Dating ‘Going Bulilit’ child star, ubod ng gwapo na pala ngayon.


Dating ‘Going Bulilit’ child star, ubod ng gwapo na pala ngayon. Malaki ang tulong ng social media upang masundan ng mga fans ang mga kaganapan

Bakit nga ba hindi pa pwedeng magpakasal sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.
Mariel Padilla, sobrang proud sa asawang si Robin Padilla dahil sa pagiging food delivery rider ng kanilang negosyo.

May be an image of 2 people and text

Dating ‘Going Bulilit’ child star, ubod ng gwapo na pala ngayon.

Malaki ang tulong ng social media upang masundan ng mga fans ang mga kaganapan at iba pang proyekto ng kanilang mga iniidolo. Subalit kamakailan lamang ay may lalaking nagtrending at pinagkaguluhan sa social media dahil sa angkin nitong kagwapuhan.

Siya ay si Timothy Lambert Chan, na dating child star at bumida sa hit kids show na ‘Going Bulilit’. Kumalat ang mga litrato nito sa socmed at talaga naman humakot ng paghanga mula sa mga netizens. Matatandaan na napa-cute chubby na bata nito noon at madalas magpatawa sa mga manonood. Ngayon, ay isa na siyang heartthrob na binatilyo.

Nadevelop ni Timothy ang kanyang acting skills sa ‘Going Bulilit’ at naging parte rin ng teleseryeng ‘May Bukas Pa’ kasama ang kanyang ‘Going Bulilit’ co-star na si Zayjan Jaranilla. Sumabak rin sa pelikula si Timothy at nakabilang sa ‘Sakal, Sakali, Saklolo’ na pinagbidahan ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Sa nasabing pelikula ay siya ang gumanap na anak nila Juday.

Siya’y nakabilang din sa iilang episodes ng Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya (MMK) kung saan ay lalong kinabiliban ang talento niya sa pag-arte. Nakabilang rin siya sa Here comes the Bride (2010) at Paano Na Kaya (2010).

Marami rin itong sinalihan na patimpalak noon tulad ng, ‘Ever Kiddie Star’ (2007 – Grand Winner), Garfield Image Model (2007 – Grand Winner), at ‘SM Little Star (2007 – First Runner Up).

Matatandaan na lumabas rin si Timothy sa ilang commercials tulad ng ‘Lucky Me’, ‘Tender Juicy Hotdog’, ‘Promil’, ‘MCDO’ at nakasama muli si Judy Ann Santos sa ‘Selecta Ice Cream’ na commercial.

Tunay na kahanga-hanga ang mga nakamit na awards at success ni Timothy sa mundo ng Philippine Showbiz. Marami sa mga tagahanga nito ay mas lalong bumilib matapos makita ang pictures ni Timothy ngayong binata na siya. Bagamat hindi na nakikita sa telebisyon ang aktor ay mayroon pa ring sumusuporta sa kanya sa mga tinatahak nito sa buhay. Maraming netizens ang humiling na makita muli ang binata sa mga teleserye at pelikula..

COMMENTS