Kapapanganak pa lang, sikat na agad! Kilalanin ang baby na pinangalanang, ‘HTML’.


Kapapanganak pa lang, sikat na agad! Kilalanin ang baby na pinangalanang, ‘HTML’.   Trending sa social media ang pangalan ng isang sang

Revenge Body ng babaeng iniwang ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri.
Babaeng binansagan bilang “ The ugly fat girl” Ginulat ang mga Nambully sakanyang Transpormasyon.
Lalaking nabyudo, pinalaki ang kanyang walong anak sa tulong ng listahan na iniwan ng kanyang asawa.

No photo description available.

Kapapanganak pa lang, sikat na agad! Kilalanin ang baby na pinangalanang, ‘HTML’.

 

Trending sa social media ang pangalan ng isang sanggol na kakapanganak pa lamang. Cute na cute at walang ka malay-malay ang sanggol sa debate at ang umiikot niyang litrato sa social media. Habang abala sa pag-adjust sa mundo ay pinaguusapan si Hypertext Markup Language R. Pascual o si baby ‘HTML.’

Kakaiba sa pandinig ang pangalang ito ngunit para sa mga web developers, ay isa ito sa mga common terms na ginagamit sa kanilang field. Hindi na rin kataka-taka na ito ang ipinangalan sa kanya dahil isang web developer ang ama ni HTML. Lumitaw ang litrato ni HTML sa social media matapos ito ipost sa Facebook ng tiya nito na si Sincerely Pascual.

Isang pagbati sa bagong silang na si HTML ang post ni Sincerely sa Facebook at dahil nga kakaiba ang pangalan ng sanggol ay umani ito ng maraming reaksyon mula sa mga netizens. Marami ng namangha sa pangalan ng sanggol at marami rin ang pinuna ito. Gayumpaman ay swerte pa rin ang sanggol dahil sa instant famous ito pagkapanganak pa lamang.

May mga nauwi sa debate tungkol sa pagpapangalan sa isang anak ngunit kung titignan, hindi na bago sa pamilya ang pagkakaroon ng kakaibang pangalan dahil ang mismong ama nito si Mac Eightyfive Pascual at ang tiyang si Sincerely ay napaka unique at one-of-a-kind ang pangalan. Datapwat ay isang mainit na welcome mula sa mga netizens at sa internet ang natanggap ni HTML. Bagay na bagay lamang ang kaganapan na ito sa kanyang pangalan.

Sa panahon ngayon ay isa nang advantage ang pagkakaroon ng unique na pangalan. Sa bilyon-bilyong tao sa mundo, sino pa ba ang kapangalan mo? Isa ka ba sa nahirapan kumuha ng NBI? May mga na feature na rin na mga tao na kakaiba ang pangalan at bagamat hirap magsulat noong grade 1 ay masaya na rin sa pangalan nila dahil sila ay one-of-a-kind.

COMMENTS