AC Bonifacio, abot langit ang ngiti nang i-like ng BTS ang ‘Butter’ Dance Cover nito.


AC Bonifacio, abot langit ang ngiti nang i-like ng BTS ang ‘Butter’ Dance Cover nito. Kakaiba ang pakiramdam sa tuwing nakikita natin ang mga i

Karla Estrada, masayang ibinahagi ang pagbubukas nila ng sariling branch ng KFC sa Tacbloban City kasama ang kanyang anak na si Daniel Padilla.
Camille Prats, ipinasilip na sa kanyang mga fans ang kanilang bagong fully furnished na ipinatayong bahay.
Mariel Padilla, sobrang proud sa asawang si Robin Padilla dahil sa pagiging food delivery rider ng kanilang negosyo.

AC Bonifacio, abot langit ang ngiti nang i-like ng BTS ang ‘Butter’ Dance Cover nito.

Kakaiba ang pakiramdam sa tuwing nakikita natin ang mga iniidolo nating artista o celebrity. Lalong lalo na kung makikita natin silang nakikipag-engage sa kanilang mga fans. Kaya naman nang i-like ng Korean boyband sensation na BTS, ang dance cover nito para sa hit song na ‘Butter’ ay abot langit ang ngiti at tuwa ni AC Bonifacio.

Ibinahagi ng kapamilya dancer sa kanyang Twitter account ang screenshot ng official Tiktok account ng BTS nan aka-like sa video nito. Paghahayag niya sa kanyang caption, “Wait lang po. PROCESSING PA.”

Tila napa-‘sana all- ang mga fans ng BTS ay inulan ng komento at paghanga ang post ni AC. Umabot na ng 320,000 views at 5,200 comments ang nasabing Tiktok video ni AC Bonifacio.

Pagdadagdag ng dalaga, “STREAM BUTTER OR ELSE @bts_official_bighit.”
Makikita ang flawless na sayaw ni AC at kitang-kita ang charisma ng dalaga. Mapapansin rin na talaga namang nageejoy ito sa pagsasayaw.

Isa sa mga nagkomento ay ang sikat na dancer na si Niana Guerrero. Komento ng isang Tiktok user, “Congrats! BTS liked this video Huhu [heart emoji].”

Ang ‘Butter’ ay ang hit song ng sikat na Korean boy group na BTS, at ito ay YouTube’s record holder bilang may pinakamaraming first-day view count. Natalo pa nito ang sikat na song ng grupo na ‘Dynamite’. Maraming Pilipino ang fans ng BTS kaya naman ay ganun din karami ang napa-‘sana all’ sa video ni AC.

Matatandaan na nagkaroon rin ng exposure si AC Bonifacio sa sikat na US TV show na ‘Riverdale’ bilang ka showdown sa dance battle ng character na si Cheryl Blossom. Marami bumilib sa kanya na cast ng show at inulan ng papuri si AC. Tunay na kahanga-hanga ang talent ng mga Pilipino na ngayo’y kitang-kita na ng buong mundo ang potential ng mga Pilipino. Patuloy natin suportahan ang mga kababayan natin na nabibigay karangalan sa ating bansa.

COMMENTS