Food Panda Rider na tumulong sa kapwa delivery rider, inulan ng papuri mula sa netizens.


Food Panda Rider na tumulong sa kapwa delivery rider, inulan ng papuri mula sa netizens. Namataan ng isang netizen ang isang Food Panda Rider n

Man and wife earns P50,000/month for making vlogs about his life in the province.
Natustusan ng isang binatilyo ang kanyang pagaaral sa pagiging jeepney driver noon.
Ang nakakainspire na kwento ng OFW na nagsimula bilang yaya na ngayo’y isa nang abogado.

Food Panda Rider na tumulong sa kapwa delivery rider, inulan ng papuri mula sa netizens.

Namataan ng isang netizen ang isang Food Panda Rider na marahang tinutulak ang kapwa delivery rider na nagbibike. Sa pagdating ng pandemya, maraming kababayan natin ang nawalan ng trabaho at upang kumita ay pinili maging delivery rider.

Dahil maraming lugar ang quarantine ay maraming consumer ang nagoorder na lamang online upang mabili ang kanilang pangangailangan. Dito lumalabas ang papel ng ating magigiting na delivery riders. Sila ang nagsisilbing tulay sa mga seller at consumer.

Ang gamit sa pag dedeliver ay pwedeng motorsiklo at pwede ring bike. Subalit, hindi magiging madali ang trabaho kung bike ang gagamitin sa pagdedeliver. Hindi madaling magpedal sa ilalim ng init ng araw at sa layo ng lugar na kailangan patunguhan. May ilan na sinisikap na lamang gumamit ng bisikleta sap ag dedeliver upang kumita ng pera.

Food Panda Rider

Sa isang Facebook page ay naipost ang larawan ng dalawang Food Panda delivery rider na gumagamit ng motorsiklo at ang isa ay gumagamit ng bike. Makikitang itinutulak ng naka motorsiklo ang kapwa rider na naka bike upang mabawasan ang pagod nito sa pagpepedal. Bumagal man ang takbo ng naka motorsiklo ay para naman sa rider na naka bike ay naibsan nito ang pagod kahit kakaunti.

Nakunan ang litrato sa Gen. Luna St. sa Dipolog City. Inulan naman ng papuri ang larawan mula sa mga netizens na nakita ang compassion ng Food Panda Rider para sa kapwa nitong rider.

Food Panda Rider

Ayon sa post, “WHAT A SIGHT TO SEE!

Earlier today, amidst the scorching heat of the sun along Gen. Luna St., we spotted these gems! The other rider was then driving slowly while slightly pushing the rider on the bicycle as a way to help him. In these times of hardships, it’s a wonder how some still reserve themselves to help other people. Dipolog, what spirit your people have! Kindness and love is truly just around the corners of this city. Mabuhay kayo mga Kuya! ”

Tunay na nakakainspire ang mga ganitong kwento at kitang kita ang pagunawa at pagtulong ng ating kababayan sa kapwa nitong rider. Saludo kami sa iyo, kuya.

 

COMMENTS