Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama.


Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama. Ilan marahil sa mga taong kahit kalian ay hindi n

Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.
Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.
Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.

Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama.

Ilan marahil sa mga taong kahit kalian ay hindi natin masuklian ang kabutihan ay ang ating mga magulang. Para sa iba ay ang ama na lamang nila ang tumatayong magulang na nagsusuporta at nakakasama nila. Para sa isang Facebook user na si Allen Curth Espleta, taos-puso nitong pinasalamatan at ipinagmalaki ang kanyang Ama.

Grateful Son

Nakasama ni Allen ang kanyang ama sa trabaho bilang construction worker. Pagbabahagi ni Allen, ay para sa kanya ay napaka swerte na nito na makasama ang ama sa trabaho. Ang mga panahon na kasama niya ito kumain at mag trabaho ay ang pinaka masayang sandali.

Grateful Son

Bilang anak, ay karaniwang bulag tayo sa mga pagsisikap ng ating mga magulang upang mabigyan tayo ng magandang buhay. Ngunit si Allen, ay nagpahayag na isang malaking biyaya umano ang makatanggap ng unconditional love mula sa kanyang magulang.

 Nagpost si Allen hindi lamang ng sulat kundi pati mga larawan rin ng kanyang ama na nagtatrabaho. Ang kanyang ama na si Eric Espleta ay isang helper sa construction site. Hindi batid ni Allen ang pagod sa trabaho dahil mas magaan umano sa pakiramdam na kasama nito ang ama na nagtatrabaho. Ito ang kanyang buong post:

 

WALA LANG GUYS GUSTO KO LANG SABIHIN NA ANSARAP PALA SA FEELINGS NA PAG YUNG TATAY MO KASAMA MO SA ISANG TRABAHO KAHIT TAGA ABOT TAGA WALIS TAGA BUHAT LANG AKO PERO ALAM NYO YUNG PAKIRAMDAM NA KAYONG DALAWA LANG NANG ERPAT MO NASA ISANG LUGAR SABAY KAYO KAKAIN KWENTUHAN HABANG NAG TATRABAHO AT HIGIT SA LAHAT YUNG KANINANG PAUWE KAME NAKA AKBAY SAKEN SI PAPA HABANG UMUULAN MAHAL NA MAHAL KITA PAPA ILOVEYOU PROUD NA PROUD AKO SAYO NAPAKASIPAG MONG PADRE DE PAMILYA ANG SWERTE NAMENG MAGKAKAPATID SAYO PAPA Eric Espeleta Amelia Vega Emmanuel Yabut Vega.”

 

Inulan naman ng papuri at komento ang post ni Allen. Karamihan ay hanga sa pagmamahal nito sa kanyang ama at hindi binebalewala ang pagsisikap ng ama. Kaya naman ay nagsilbing inspirasyon si Allen at isang paalala na mahalin natin ang ating mga magulang.

COMMENTS