Alamin kung papaano nakapag-ipon ang pamilyang ito sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Alamin kung papaano nakapag-ipon ang pamilyang ito sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.


Alamin kung papaano nakapag-ipon ang pamilyang ito sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Tunay ngang maganda ang naidudulot ng pagiipon maaari mo ito

OFW sa France, dati palang janitor at ngayon ay may magarang mansion ang naipundar sa Pampanga.
Ina na iginagapang ang buhay at nakatira sa sira-sirang bahay kubo, nakatanggap ng tulong mula sa isang vlogger.
Batang babae, viral sa socmed dahil sa pagdodonate nito ng gulay sa community pantry matapos nito makatanngap ng biscuit.

Alamin kung papaano nakapag-ipon ang pamilyang ito sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Tunay ngang maganda ang naidudulot ng pagiipon maaari mo itong magamit sa oras ng kagipitan o magamit sa mga plano mo sa hinaharap. Ngunit mukhang lubhang napakahirap sa marami ang magawa ito.

Sino ba naman ang ayaw na magkaroon ng ipon na siyang mapagmamalaki mong iyo. Kaso ang ilan at marami sa atin ay sa una ay maganda ang maisasagawang pagiipon ngunit pagdating sa kalagitnaan ay magkakaproblema na at ititigil na ito.

Napapaisip nga siguro ang marami kung paano ito nagagawa ng ilan na nagiging matagumpay sa pagiipon nila. Sa kabila ng hirap ng buhay at mahal ng mga bilihin ngayon samahan pa ng mababang sahod ng mga nasa mababang sektor ay talaga nga namang napaka imposible sa ilan na gawin pa ito.

Ngunit pinatunayan ng isang netizen na posible itong mangyari. Ibinahagi nga ni Abby Sarmiento Mendoza ang larawan ng kanilang ipon challenge ng kaniyang pamilya. Kung saan isang taon nila ito pinag ipunan bago nila napagdesisyunan buksan sila ay nakapuno ng dalawang kama na punong puno ng pera.

Marahil madami ang nagtatanong paano nila ito ginawa. Gumamit ang pamilya ni Abby ng isang malaking kahon na gawa sa salamin kung saan makikita ang laman ng loob nito. Iba sa nakasanayan nating pagiipon sa piggy bank o kaya sa lata na hindi kita ang laman nito.

Sa ginawang alkansiya ng pamilya ay lalo silang na inspired mag ipon habang nakikita na padami na ng padami ang laman nito. Kakaiba ngunit kanilang napagtagumpayan sapagkat sinamahan nila ng tiyaga at disiplina sa sarili na siyang pinaka importante sa lahat.

Madami ngang netizen ang napabilib sa ipon challenge ng pamilyang ito. Marami ang nagnais na sana ay magawa din nila ito. Ngunit may ilan din namang hindi natuwa sa larawang ibinahaging ito ng pamilya Mendoza.

Marahil nga ay magkakaiba tayo ng paraan ng pagpapakita ng ating kasiyahan. At ang hangad naman natin sa pagiipon na ito ay makahikayat din ng iba na magawa ito para sa kani kaniyang kadahilanan at plano sa buhay.

Sa huli ay nasa kamay padin ng bawat isa ang katuparan sa paggawa ng mga ipon challenge na ito. Kakailanganin mo lang talaga ng determinasyon at disiplina upang mapagtagumpayan ang ipon challenge na nais mo.

COMMENTS