Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.


Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston. Marami sa atin ang nangangarap at sumubok mag-aral s

Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.
Andi Eigenman ibinahagi sa social media ang masaya nilang Family Picture kasama si Baby koa.
Tingnan ang Modern Family Setup nila Jennyln Mercado at Dennis Trillo.

Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.

Marami sa atin ang nangangarap at sumubok mag-aral sa ibang bansa, at ang oportunidad na ito ay hindi basta-basta dumarating. Kaya naman mainam na pagbutihin ang pagaaral dahil ito ang magiging daan sa magandang kapalaran.

Katulad nalang ng isang Pinay na nagdala ng malaking karangalan nang makapagtapos ito sa pagaaral bilang Magna Cum Laude. Siya ay graduate ng Bachelor of Science in Chemical Engineering at minor in Energy and Sustainability, sa isa sa kilalang unibersidad sa Amerika.

Masayang ibinahagi ni Angelica De Jesus ang tagumpay na nakamit sa kabila ng matyaga at pagbubuti sa kanyang pagaaral sa University of Houston nang limang taon. Natamo rin nito ang ilan pang parangal at medalya na bunga ng kanyang pagsusumikap na makakuha ng mataas na marka sa pagaaral upang itanghal na Magna Cum Laude. Tunay na kahanga-hanga ang nakamit ni Angelica at walang batid na saya ang dulot nito sa kanyang pamilya.

Maraming kompanya ang possible magbukas sa kaniya ng pinto at may iba’t-ibang oportunidad ang maaaring magbukas at humarap sa kaniya. Batid rin ng pamilya ni Angelica ang saya na nararamdaman nito sa kanyang tagumpay.

Taos-puso itong nagpasalamat sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanilang walang sawang pagsuporta sa kanya. Isa na rin sa kanyang ipinapasalamat ay hindi nito umano naranasan ma-bully or ang racial discrimination sa kabila ng kinakaharap na bansa na problema ukol rito. Napabalitang nagkaroon ng racial discrimination laban sa mga asyano na nauwi sa gulo at mga bayolenteng aksyon.

Datapwat, nagsilbi namang inspirasyon si Angelica sa kapwa nating kababayan na nagaaral at kumakaharap ng pagsubok. Maraming pagsubok ang kinaharap ni Angelica ngunit nagtumibay ito at patuloy na nagsikap na makapagtapos at ibinigay ang lahat ng kanyang makakaya upang maabot ang mga minimithing pangarap.

COMMENTS