Rita Gaviola na mas kilalang si Badjao Girl, mas maganda ng ang buhay ngayon.


Rita Gaviola na mas kilalang si Badjao Girl, mas maganda ng ang buhay ngayon. Natatandaan ba ninyo si Rita Gaviola o mas kilalang si ‘Badjao Gi

Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.
Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya.
Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.

Rita Gaviola na mas kilalang si Badjao Girl, mas maganda ng ang buhay ngayon.

Natatandaan ba ninyo si Rita Gaviola o mas kilalang si ‘Badjao Girl’? Sumikat siya noong 2016 sa social media matapos mukhanan siya ng larawan sa isang festival sa Lucban, Quezon. Binansagang ‘Badjao Girl’ si Rita ngunit nang dahil sa exposure niya na iyon ay nakatanggap ito ng modelling at acting gigs sa reality shows.

Dalagang-dalaga at ibang-iba na ang buhay ni Rita ngayon. Ang dating ganda na hinangaan ng lahat, mas lalong lumitaw at hinangaan ngayon. Aminado naman si Rita na bago pa man siya naging internet sensation ay isa siyang street beggar. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala siya sa internet. Nakahanap na ng magandang trabaho ang kanyang ama, habang siya naman ay nakakapagaral kasabay ng pagmomodel at pag acting.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Salamat sa isang photographer na nagbahagi ng kanyang litrato noong nasa Pahiyas festival, ay napagbuksan siya ng pinto at iba’t-ibang oportunidad na hindi niya makamit noon. Kung noon ay sa tagpi-tagping bahay lamang sila nakatira, ngayon ay may maayos at sariling bahay na sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Pinalad na maging housemate si Rita sa “Pinoy Big Brother Teen Edition Season 7” at doon ay mas nadagdagan ang mga oportunidad na dumating sa kaniya. Pangarap rin ni Rita na maging guro kaya naman ay minabuti nito ang pagaaral. Ayon rito ay nais nitong matulungan ang iba pang batang mahihirap na hindi makapagaral ngunit nais matuto. Mula sa mahirap si Rita kaya naman ay damang-dama nito ang mga suliranin ng ibang mga batang pinagsarhan ng kapalaran.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Bagamat mahirap ang pinagdaanan ni Rita ay hindi nito kinalimutan ang kanyang pinagdaanan. Sa halip ay ginamit niya ito upang maging motivation upang harapin ang mga bagong pagsubok sa kanyang buhay. Mismong si Rita o ‘Badjao Girl’ ay pruweba na hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng ating mga pangarap. Totoong napagbuksan siya ng oportunidad sa pagkasikat nito ngunit ang talang nagbago ng buhay ni Rita ay kung papaano nito ginamit ang kasikatan upang umasenso sa buhay.

COMMENTS