Guro na buwis-buhay na naghahatid ng modules sa kanilang mga estudyante ngayong pandemya.


Guro na buwis-buhay na naghahatid ng modules sa kanilang mga estudyante ngayong pandemya. Sa panahon ngayon ay isa sa paraan upang maiwasan ang

Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama.
An American married a Filipina who received her Christmas Gift when they were still young
Isang matanda na empleyado ng isang kompanya, kinaantigan ng mga netizens ang pagtitinda nito ng chicharon pagkatapos ng trabaho!

May be an image of 1 person and body of water

Guro na buwis-buhay na naghahatid ng modules sa kanilang mga estudyante ngayong pandemya.

Sa panahon ngayon ay isa sa paraan upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit ay ang pananatili sa bahay. Para sa mga nagtatrabaho ay kinailangan nilang mag-homebased job at para sa mag estudyante ay inilungsad ang modular learning.

Sa ganitong paraan ay mapapanatili ang pagaaral ng mga kabataan at masisiguro ang kanilang kaligtasan. Sa kabilang banda, ang mga guro ay kabilang na sa tinatawag na frontliner. Upang maipatupad ang sinumpaang tungkulin ay ilan sa mga guro ang buwis-buhay na naghahatid ng mga module sa mga magaaral.

Ilang guro mula sa paaralan sa Bukidnon ang tumatawawid sa rumaragasang ilog gamit ang salbabida upang makapaghatid ng mga module sa kaniyang estudyante. Mula Panganan Elementary School sa Barangay Panganan, Kitaotao, Bukidnon ang naibalitang mga guro at sila’y hina-hangaan ngayon sa social media. Mula sa kwento na ibinahagi ng Kapuso Mo Jessica Soho, ay namulat ang mata ng ilang estudyante at mga magulang sa mga pagtitiyaga na ginagawa ng mga gurong ito.

Upang maprotektahan ang mga modules ay inilalagay ito ng mga guro sa isang plastic at masinsin na binabalot upang hindi mabasa. Pagkatapos nito ay sasakay sila sa isang salbabida at sasamahan sila ng ilang mga residenteng kalalakihan na lalabanan ang rumaragasang agos sa ilog. Ito’y napakadelikado lalo na kapag malakas ang agos at mataas ang tubig. Ngunit isinasantabi ng mga guro na ito ang takot upang makatawid ng ilog.

Isa pa sa mga sakripisyo na kinailangan gawin ng mga gurong ito ay ang mawala ng isang linggo sa piling ng kanilang mga pamilya dahil kinailangan nilang manatili sa paaralan. Ang masaklap pa ay walang signal ng kahit anong network sa lugar na iyon kaya naman ay tinitiis na lamang ng mga ito ang lungkot.

Sa tulong ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ay nailapit sa mga kinauukulan ang pagpapatyo ng foot bridge sa lugar at nabigyan ang mga guro ng rubber boat, life vest at life ring para sa kanilang paglalakabay papunta sa paaralan.

COMMENTS