Manong na nagbebenta ng ‘Habi Bags’ sa kalsada, sold-out matapos pakyawin ng magkaka-officemates na napadaan lamang.

Manong na nagbebenta ng ‘Habi Bags’ sa kalsada, sold-out matapos pakyawin ng magkaka-officemates na napadaan lamang.


  Maraming kababayan natin ang sinisikap na kumita sa gitna ng dinaranas na pandemya. May iilan na nakapagadjust na, subalit mayroon pa ring n

Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.
Magasawa na nagtitiis sa isang 7-peso corned beef pack pantawid-gutom noon, nakamit na ang tagumpay ngayon.
‘Charity Bakeshop’ in Sultan Kudarat, Maguindanao, Philippines gives away free bread daily.

 

Maraming kababayan natin ang sinisikap na kumita sa gitna ng dinaranas na pandemya. May iilan na nakapagadjust na, subalit mayroon pa ring nagsisikap sa bawat oras upang may pangkain ang kanilang pamilya.

Kind-Hearted Lady

Tulad na lamang ng isang lalaking nagbebenta ng ‘Habi Bags’ sa gilid ng kalsada. Datapwat walang pwestong maayos ay tuloy pa rin ito sa pagbebenta ng kanyang paninda.

Sa isang Facebook post ni Cicely Martin Reyes ay ibinahagi nito ang kwento ng lalaking nagbebenta ng ‘Habi Bags’. Ipinakilala niya ito bilang si Tatay Roy ay may ibinahagi rin ito na larawan na nagbebenta sa gilid ng kalsada. Sa paligid nito ay ang mga ‘Habi Bags’ na binebenta nito sa murang halaga, at sulit pa dahil ang lahat ng paninda niya ay magaganda.

Kind-Hearted Lady

Ayon sa post ay nagkakahalaga ang isang bag ng Php. 150- Php.250 pesos lamang, depende sa disenyo at laki. Si tatay Roy ay kasalukuyang nasa Tutban Primeblock at Rivera side malapit umano sa entrance ng dating Orion Hotel.

Dagdag pa ni Reyes, ay taga Malolos Bulacan ito at minsan lang umuwi dahil sa layo at natutulog na lamang sa sidewalk at matiyagang binebenta ang kanyang paninda. Lingid sa kaalaman ni Tatay Roy ay muli na niyang makakapiling ang kanyang pamilya dahil binili ni Reyes at ng kanyang mga office mates ang lahat na panindang bags ni Tatay Roy.

Kind-Hearted Lady

Ibinahagi din ni Reyes ang bag na binili niya mula kay Tatay Roy at maraming netizens ang nakapansin sa ganda ng hitsura at tibay ng pagkakayari dito. Kung tutuusin ay napakaganda at napakamura nito kumpara sa mga ‘Habi Bags’ na binebenta sa mga mall.

Kind-Hearted Lady

Saludo naman at inulan ng papuri ang post ni Reyes para sa kabutihan ng puso nito at ng mga officemates nito. Ang bawat mabuting gawa ay madadagdagan lalo na sa tulong ng post ni Reyes. Basahin ang post niya rito.

COMMENTS