80k ng mag-asawang Aeta, muling naibalik sa kanila sa tulong ng bayaning pulis.

80k ng mag-asawang Aeta, muling naibalik sa kanila sa tulong ng bayaning pulis.


  Sadyang dumadating ang kamalasan sa buhay at sa mga panahong ito ay nasusubok ang ating tibay at pagtitiwala sa mga awtoridad. Tulad na lama

Baby na pinanggigigilan ng netizens sa socmed dahil sa sobrang kakyutan, nilait ng kapitbahay noong bagong silang.
Magasawang nasa 90’s ang edad, ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama at pagmamahalan.
Magandang dilag nahanap ang kanyang ‘the one’ sa lalakeng may dwarfism.

 

Sadyang dumadating ang kamalasan sa buhay at sa mga panahong ito ay nasusubok ang ating tibay at pagtitiwala sa mga awtoridad. Tulad na lamang sa nangyari sa mag-asawang Aeta na nanlumo sa pagkawala ng kanilang bag na may nilalaman na Php. 80,000.

Sa loob ng 12 na taon ay pinaghirapan ng magasawang sina Bernadet at Mateo Balintay ang pagiipon ng pera para sa kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng puso ng saging sa iba’t ibang lugar ay nakalikom ang magasawa ng ganito kalaking halaga. Sa 12 na taong na pagtatrabaho, pagtitipin at pagtitiyaga ay masakit malaman na bigla na laman mawawala ang kanilang tinipon na pera.

May be an image of 2 people and people standing

Ayon kay Bernadet ay naghihintay ito umano na mabukas ang public market sa likod ng pulis station sa Capas, Tarlac nang mapansin niyang wala na ang kanyang bag na naglalaman ng kanilang ipon. Mabuti na lamang ay nakita ni Staff Sergeant Bernard Dalisay ang bag. Sa paghahayag ng GMA News’s ‘Pusuan na Yan’ program ay inakala umano ng ni Srg. Dalisay na ito’y basura dahil sa hitsura nito. Subalit nang tignan nila ang loob ay may laman itong pera.

Dahil natagpuan nila ito sa public market ay agad na hinanap nito ang may-ari ngunit wala na ang magasawa roon. Sa loob ng bag ay mayroon identification card ni Mateo at ito ang ginamit nila upang matunton ang mag-asawa sa kanilang bahay. Muli, ay wala ang mag-asawa roon nang matunton nila ang bahay kaya naman ay ipinatawag na lamang sila sa mayor’s office upang maisauli ang kanilang bag.

May be an image of 4 people, people standing and text that says 'tv STATEoF P80,000 NA 12 TAONG INIPON NG THENATION MAG-ASAWANG AETA, ISINAULI NG ISANG PULIS OS. ONE TIME PURCHASE, NO MONTHLY FEES FOR MORE INFORMATION, TUMAWAG SA HOTLINE 10:50 PM'

Sa pagdating ng magasawa sa opisina ng mayor ay doon personal na naisauli ni Srg. Dalisay ang bag sa kanila. Lubos-lubos na pagkatuwa at pagpapasalamat ang inulan ng mag-asawa sa pulis na tapat na ginawa ang kanilang tungkulin. Nawa ay marami pang pulis at mga kababayan natin ang tapat na tumulong at magsilbi sa kapwa.

Ang mga larawan sa post na ito ay screenshot mula sa GMA News.

COMMENTS