Inulan ng tulong ang isang ulirang ama na naglalako ng gulay habang babad sa initan kasama ang sanggol na anak.

Inulan ng tulong ang isang ulirang ama na naglalako ng gulay habang babad sa initan kasama ang sanggol na anak.


Sinong magulang nga naman ang gugustuhing magbabad sa initan kasama ang sanggol nilang anak? Subalit upang kumita ng pera sa gitna ng kahirapang dinar

Barista received $100,000 (P5Million), after being posted online by a customer who won’t wear a face mask.
Airport Guard who could not even afford lunch, returns half a million worth of cash found
Batang Pinoy na nagpakitang gilas sa America’s Got Talent, malayo raw ang mararating.

Sinong magulang nga naman ang gugustuhing magbabad sa initan kasama ang sanggol nilang anak? Subalit upang kumita ng pera sa gitna ng kahirapang dinaranas, ay sinikap ng isang ama mula Quezon City na maglako ng gulay kasama ang anak.

Dala-dala ni King Bryan Gallardo ang kanyang anak tuwing nagbebenta ng gulay sa kanilang lugar. Gamit-gamit ang lumang stroller, ay sa halip na anak nito ang nakasakay, sari-sari na panindang gulay ang karga nito. Bitbit lamang ni King ang kanyang sanggol na anak habang tulak naman ang stroller na may laman na gulay. Iikot ito sa kanilang barangay upang magalok ng paninda sa mga tao sa lugar nila.

May be an image of child, standing and text that says 'GMA'

Datapwat nasa gitna ng pandemya, ay mas pinili ni Cristina Birao – na parte ng Q.C. task force sa kanilang barangay, na tulungan ang mag-ama. Karaniwan ay hinuhuli nito ang mga residente na nasa labas at lumalabag sa protocol ngayong pandemya. Ayon kay Cristina ay awang-awa ito sa sitwasyon ng mag-ama kaya naman ay nagkusa itong nanawagan sa mga netizens upang makahinge ng tulong para sa mag-ama.

May be an image of one or more people and people standing

Nang mapanayam ng GMA News si King ay wala umanong magbabatay sa bunso nitong anak, kaya naman kahit labag sa kalooban, ay nagdesisyon itong dahil sa paglalako ng gulay. Kasama naman ng kanyang kinakasama ang kanilang pangay na anak. Nagviral naman sa social media ang larawan na inibahagi ni Cristina, kaya naman ay samu’t saring tao na may mabubuting puso ang tumulong sa kanila na makapagipon ng pambili ng sidecar.

No photo description available.

Lumapit rin sa LGU ang GMA News’ On Record Team, upang maipakita ang sitwasyon ng pamilya ni King. Nagpadala ng financial assistance ang LGU na lubos nakatulong upang matupad ang pinapangarap na sidecar ng pamilya. Sa ngayon ay sidecar na ang gamit-gamit ni King sa pagbebenta ng kanyang paninda at muli ay napuno ito ng pangarap na suungin ang kahit ano mang hamo ng buhay. Mapapanood ang video rito.

Ang mga larawan sa article na ito ay screenshot mula GMA News.

COMMENTS