Gurong nagviral, matapos ipost ang isang video habang nagbabasa ng grades ala Gloc 9.

Gurong nagviral, matapos ipost ang isang video habang nagbabasa ng grades ala Gloc 9.


Aminado tayo na hindi lamang mga magulang ang nastress sa ipinairal na ‘module learning’ ngayong panahon ng pandemya kundi pati ang mga guro. Malaking

“Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.
Guro na buwis-buhay na naghahatid ng modules sa kanilang mga estudyante ngayong pandemya.
Isang Amerikana ngayon ang kumikita ng $200,000 nang dahil lamang sa pagbebenta ng kanyang utot, “UTOT for SALE!”

Aminado tayo na hindi lamang mga magulang ang nastress sa ipinairal na ‘module learning’ ngayong panahon ng pandemya kundi pati ang mga guro. Malaking oras rin ang ginugugol ng mga ito sa paghahanda ng learning modules na swak sa ginawa nilang lesson plan. Iba-iba rin ang paraan ng mga ito upang maglabas ng stress, tulad na lamang ng isang guro na ala-Gloc 9 kung basahin ang mga grades ng kanyang estudyante.

Ibinahagi ng gurong si Richmond Dulay Gabudao sa Tiktok ang video niyang tila nagra-rap sa biling ng pagbabasa ng mga grado ng kanyang estudyante. Ito umano ay ‘reading of forms’ ng kanyang mga magaaral at sa bilis ng pagbabasa nito ay halatang hatol magkandaduling ito sa pagbabasa.

Kinagiliwan naman ng mga netizens na nakapaood ng video ang mala-rapper na pagbabasa ni Gabundao. Madalas umanong gawin ng mga guro ang ‘reading of forms’ sa tuwing natatapos ang school year. Isinasagawa ito upang masigurong pare-pareho at tama ang nilalaman ng mga permanent school record ng mga magaaral.

Sobrang bilis na binasa ni Gabundao ang bawat record, upang mas mapabilis ang “cross-checking” ng mga ito. Hindi maitatanggi na may talent ito sa pagrarap, at marami ang nagkomento na parang si Gloc 9 umano ito kung mag-rap. Isa sa mga tiktok users ay nagbigay ng komento na, “Gloc-9ners ang teachers!” Sa kabilang banda, kailangan mapanatiling pribado ang school record ng bawat mag-aaral kaya naman ay tinanggal na ang video na ito.

 

cover photo: Richmond Gabudao Facebook, @glocdash9 instagram

COMMENTS