Kilalanin ang certified BTS fan na inabot sa Php. 2.2 Million ang nagastos sa kanyang BTS collection.

Kilalanin ang certified BTS fan na inabot sa Php. 2.2 Million ang nagastos sa kanyang BTS collection.


Paghanga at pagmamahal ang binuhos ng isang Pinay fan sa kanyang iniidolo na KPop group na BTS. Maliban doon ay tinatayang inabot na ng Php. 2.2 Milli

Isang nakakamanghang senior citizen ang matiyagang nagkolekta ng 36,000 tickets sa video arcade para sa kanyang pangarap na air fryer!
PARK SEO-JOON STILL IN AWE AFTER MEETING HIS FILIPINO FANS, SET TO COME BACK AFTER THE PANDEMIC
Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!

Paghanga at pagmamahal ang binuhos ng isang Pinay fan sa kanyang iniidolo na KPop group na BTS. Maliban doon ay tinatayang inabot na ng Php. 2.2 Million Pesos ang ginastos ng Pinay fan na ito sa kanyang BTS collection. Masasabing ‘certified’ BTS Army na siya dahil sa dami ng BTS merchandise na inipon nito sa mga lumipas na taon.

Siya ay si ‘Etang’ na kamakailan lamang ay nafeature sa Kapuso Mo, Jessica Soho dahil sa kanyang malawak na collection na BTS merchandise. Pagbabahagi ng Etang, ay inabot na umano ng Php. 2.2 Million ang nagastos nito sa pagbili ng concert tickets at mga merchandise na may koneksyon sa BTS. Ang kotse nito ay may tatak rin ng logo ng BTS at takaw pansin pa lalo na sa mga fellow ‘Army’.

Para kay Etang, ang BTS ang naging sandigan nito nang may matinding dinaranas ito sa buhay. Naging malaking bahagi ito ng buhay niya dahil ito ang naging inspirasyon niya sa mababang punto ng kanyang buhay.

 

“Yung BTS, part na siya ng buhay ko. They make me happy.”

 “BTS came into my life when I needed them the most. ‘Yung ibang ARMY na nakausap ko, ganoon din ‘yung feeling. Dumating ‘yung BTS sa buhay nila nung kailangan talaga nila”

 

Sa mga taong lumipas ay sinigurado ni Etang na mabili ang mga merchandise ng BTS. Simula 2018 hanggang kasalukuyan ay kinokolekta ni Etang ang mga kagamitan at ang iba ay mula pa sa mismong events ng BTS.

Marami sa mga ‘Army’ na katulad ni Etang ang patuloy pa rin sa pagtangkilik sa grupo. Hindi lamang nagkakaisa ang mga ‘Army’ sa pagmamahal sa kanilang idolo ngunit pati na rin sa pagtulong sa kapwa.

Sa parte ni Etang, hindi nito pinagsisihan na umabot sa ganoong halaga ang kanyang koleksyon dahil sariling pera ang ginagamit nito sa pagbili at pagtangkilik sa grupo. Sa katunayan, supportive ang asawa nito at nakikita nila na asset ang mga merchandise dahil mabilis ito mabenta lalo na sa mga kapwa fans.

COMMENTS