Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.

Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.


Saan mang parte sa Pilipinas, ay tiyak na nakaranas na ng brownout. Kaya karamihan sa atin ay bumibili na ng generators o kaya naman power banks upang

Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.
Doktor na proud na anak ng magsasaka, naikwento ang pagsusumikap ng pamilya nito na mapag-aral siya.
‘Charity Bakeshop’ in Sultan Kudarat, Maguindanao, Philippines gives away free bread daily.

Saan mang parte sa Pilipinas, ay tiyak na nakaranas na ng brownout. Kaya karamihan sa atin ay bumibili na ng generators o kaya naman power banks upang maging handa sa ganitong sitwasyon. Subalit para sa mga kababayan natin na simple lamang ang pamumuhay ay tinitiis na lamang ang pagkawala ng kuryente.

Isang netizen ang nagpost ng video ng binata na gumagawa ng kanyang self-learning modules sa tabi ng drive-thru. Nagkataon pa lang brownout sa lugar at sa pagsisikap nitong matapos ang kaniyang modules ay nagpasya itong tumambay sa tabi ng drive-thru kung saan may ilaw na gumagana.

May be an image of 1 person and text that says 'Dyll Bartolaba ক'

Ayon sa Facebook user na si Dyll Bartolaba, namataan niyang nakayapak at kaawa-awang nakaupo sa gilid ang binata. Halatang nagtitiyaga na lamang ang ito sa kakaunting liwanag na ibinibigay ng ilaw sa drive-thru sign para lamang gumawa ng takdang aralin. Mapapansin na dala-dala ng binata na kinilalang si Abdul, ang kaniyang mga materyales sa paggawa ng kanyang module. Ang tsinelas nito ay ginamit na sapin sa malamig at maruming sahig.

Makikita sa video na nahihiyang sumasagot sa tanong si Abdul at patuloy pa rin sa pagsusulat sa kanyang module. Nang tanungin si Abdul kung nasaan ang mga magulang nito ay sumagot ito na nasa bahay umano nila at nagtatrabaho. Grade 6 pa lamang si Abdul ngunit makikitaan na ito ng batang may pagsisikap at pagtitiyaga sa kung ano man hamon ng buhay ang dumating.

May be an image of child

Nagoffer si Dyll kung ano man ang maitutulong nito para kay Abdul ngunit sa halip na manawagan o humingi ng kagamitan para sa eskwela, ay wala itong hiniling at nagsabi na lamang ng, “salamat”. Ramdam na ramdam ni Dyll ang hirap na pinagdadaanan ni Abdul, at ibinahagi nito ang video upang makita ang iba pa nating kababayan ang pagsisikap ni Abdul. Bagamat gabing-gabi na ay sinikap nitong matapos ang kanyang pagaaral.

COMMENTS