Abogadong tinanggap ang alimango bilang bayad, umani ng papuri at paghanga.

Abogadong tinanggap ang alimango bilang bayad, umani ng papuri at paghanga.


Kadalasang tinatakbuhan ng tulong ang mga doktor kapag may sakit ngunit kapag may problemang legal ay abogado ang unang hinahanap. Pagdating sa mga su

Batang nagtrabaho sa murang edad, nakapagtapos ng highschool with honors! Yan ang Pinoy!
Revenge Body ng babaeng iniwan ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri.
Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.

Kadalasang tinatakbuhan ng tulong ang mga doktor kapag may sakit ngunit kapag may problemang legal ay abogado ang unang hinahanap. Pagdating sa mga suliranin sa papeles o mga away na dinaan sa korte, ang mga abogado ang nasasandalan sa ganitong pasanin. Subalit magkano nga ba ang bayarin sa pagkuha ng propesyonal na abogado?

Tiyak na mahal ang pagkuha ng abogado, ngunit mayroon pa rin na tapat sa tungkulin sa pagtulong ng kapwa. Sa katunayan, isang abogado sa Sorsogon ang tumanggap ng alimango bilang bayad sa kanyang serbisyo. Agad nagviral ang larawan ni Atty. Noel Allan Bose na nakatayo sa labas ng “Bulwagan ng Katarungan” bitbit ang isang bugkos ng alimango.

Lawyer

Masarap ang alimango, ngunit mas masarap malaman na mayroon rin palang ganitong abogado na nakakaitindi ng kalagayan at kakayanan ng isang tao at labis pa rin ang pagtulong rito. Aminado umano ang kliyente ni Atty. Bose na wala itong pera na maibabayad sa serbisyo nito ngunit patuloy pa rin itong tinulungan ni Atty. Bose.

Nang matapos ang umano ang hearing sa korte ay binigyan ito ng kliyente ng bagong huling alimango dahil ito lamang ang kaya niyang ibigay. Walang arteng tinaggap nito ang Alimango at game na nagpakuha ng litrato sa labas ng court room. Pagkauwi ay niluto na rin nito ang alimango na bigay sa kaniya.

No photo description available.

Umabot sa 31,000 shares at 103,000 reactions ang post ni Atty. Bose. Nagbigay pasasalamat rin ito sa mga netizens na nagcomment ng support at paghanga sa kaniya. Binanggit rin nito na hindi lamang siya ang abogado na may malaking puso, bagkus ay mayroon ring mga abogado sa gobyerno at probadong sector na tapat sa kanilang tungkulin na tumulong sa kapwa.

“Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado. Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino,” pahayag ni Atty. Bose.

COMMENTS