Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.

Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.


Dahil sa pandemyang nararanasan ng mundo ay naging limitado ang kilos ng bawat tao. Mahigpit na ipinagbawal ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan

Tatlong pulis ang tumulong sa isang babae na naabutan ng panganganak sa daan.
Pinamigay na ayuda ni Ivana Alawi umabot sa 1.3 Million.
Nanay na kumakayod upang mabuhay ang pamilya sa kakarampot na kita, kukurot sa inyong puso.

Dahil sa pandemyang nararanasan ng mundo ay naging limitado ang kilos ng bawat tao. Mahigpit na ipinagbawal ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan na siyang pangunahing kailangan ng mga taong namamasahe lamang sa pagpasok sa trabaho at walang sariling sasakyan.

Tulad nalang ng nangyari sa isang 65 anyos na matandang lalaki na nakitang naglalakad sa kahabaan ng Nlex o North Luzon Express way. Ang nasabing matanda ay taga pampanga at papunta daw ng Cubao sa Quezon City.

Nagawa niyang maglakad ng ganun kahaba sapagkat wala nga siyang transportasyon na masakyan na maghahatid sakanya sa kaniyang pupuntahan. Ang nasabing matanda ay papunta pala ng araw na iyon sa kaniyang kapatid sa Quezon City upang manghingi ng tulong.
May be an image of child, standing and outdoors

Ang nakakita at tumulong sakanya na siya ring nag upload ng video ay si Sherwin Enriquez isang Doctor sa (PGH) Philippine General Hospital. Patungo umano siya sa Manila noon upang kuhanin ang donasyon sa kanilang isinasagawang fundraising campaign ng makita niya ang matanda na magisang naglalakad sa kahabaan ng Nlex.

No photo description available.

Nang alukin nga daw niya ito ng libreng sakay ay halos maluha ang matanda. Kita din daw sa mga mata nito ang pagod at hirap sa paglalakad.

Makikita din sa video na ang matanda ay may dala dalang balat na mangga sa kaniyang kanan kamay at sa kaliwang kamay naman ay isang supot na may lamang pinagbalatan ng mangga.

Ikunuwento ng matanda na sa tuwing may madadaanan nga daw siyang puno ng mangga sa daan ay kumukuha siya upang ipanglaman tiyan habang naglalakad.

Sa video nadin na ito ni Enriquez ay makikitang pagkatapos nga mapagdesisyunan ni Enriquez na pasakayin ng libre ang matanda ay ilang minuto palang itong nakasakay ay nakatulog ito. Dala marahil ng sobrang pagod at hirap sa paglalakad.

At dahil nga sa mahigpit na quarantine guidelines ay tinurn over na ni Enriquez sa mga awtoridad ang matanda ng sila ay makarating na sa Nlex Bocaue Toll gate office. Tiyak niyang mas makakatulong ito sa matanda na makarating ng mabilis sa kanyang pupuntahan.

Bago naman sila naghiwalay ng matanda ay hindi nakalimutan ni Enriquez na bigyan ang matanda ng kaunting tulong. Inabutan niya ito ng biscuits na kaniyang makakain sa daan at kaunting pera.

Tunay ngang sa kabila ng pandemiyang nararanasan ng mundo ay hindi parin nawawala ang mga taong mayroong magagandang loob at puso.

COMMENTS