Food Panda Rider, namataang nago-online class matapos ng kanyang deliveries.

Food Panda Rider, namataang nago-online class matapos ng kanyang deliveries.


Katulad ng kasabihang, ‘kapag may tiyaga, may nilaga’, ay sinikap ng isang Food Panda Rider na pagsabayin ng kanyang pag-aaral at pagta-trabaho. Tunay

Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.
Comedian na si Jose Manalo, may anak palang ubod ng ganda at lisensyadong doktor! Beauty and brains!
Ingleserong pulubi noon, namimigay na ng pagkain sa street dwellers ngayon.

Katulad ng kasabihang, ‘kapag may tiyaga, may nilaga’, ay sinikap ng isang Food Panda Rider na pagsabayin ng kanyang pag-aaral at pagta-trabaho. Tunay na napakatindi ng paghihirap sa mundo, ay upang maka-ahon ay kinakailangan ng pagsisikap at determinasyon. Hindi lamang sa aspeto ng pagtatrabaho kundi pati na rin pagdating sa pagtatapos ng pagaaral.

Importante ang edukasyon dahil ito ang magsisilbing stepping stone natin sa pag harap sa mundo. Sa panahon ngayon ay mahirap makakuha ng trabahong may mataas na sweldo kapag hindi nakapagtapos ng pagaaral. Sa katunayan, karmihan ng mga employer ay mas pinapaboran ang taong nakapagtapos ng kolehiyo.

May be an image of ‎1 person and ‎text that says '‎foodpanda ل TikTok @anak_ronaldo‎'‎‎

Subalit para sa ilan nating kababayan ay kinakailangan nilang pagsabayin ang pagaaral at pagtatrabaho upang masuportahan ang kanilang pagaaral at maabot ang kanilang mga pangarap. Tulad na lamang ng 20-year old na si Muhammad Hanis na Food Panda Rider na nakuhanan ng Tiktok video habang nagoonline class sa kanyang cellphone.

May be an image of one or more people

Ayon sa kumuha ng video na si Haziq na kapwa Food Panda Rider, nakapark umano ang kanilang mga motorbike sa ilalim ng puno habang nakaluhod sa sahig na nagoonline class ang kasama niya. Ipinatong nito ang cellphone sa upuan at masipag na nagtatake ng notes. Hindi rin biro ang tinitiis na init ng mga ito at ang matiyagang pagaattens ni Hanis ng kanyang online class sa oras ng kanyang pahinga sa pagdedeliver.

May be an image of ‎one or more people and ‎text that says '‎ل TikTok @anak_ronaldo‎'‎‎

Umabot ng 58k likes ang naturang video at marami ang nag bigay komento ng paghanga at pagsuporta. Ayon sa panayan ng World of Buzz kay Haziq ay hindi nila inaasahan na mabilis na kakalat ang kanilang video. Nagbigay pasasalamat rin naman si Hanis sa mga nakakataba ng pusong salita at komento na inibigay para sa kanya. Bagamat part-time Food Panda Rider ay hindi nito umano pinapabayaan ang kanyang nakatakda na deliveries. Si Muhammad Hanis ay kasalukuyang nasa 2nd year para sa kursong Electrical Engineering sa Politeknik Mersing, Johor, Malaysia.

@anak_ronaldo😂

♬ Beggin’ – Måneskin

COMMENTS