Paglabas ng isang Pinay Actress sa “Grey’s Anatomy” nagpaiyak sa mga Pinoy nurses abroad.

Paglabas ng isang Pinay Actress sa “Grey’s Anatomy” nagpaiyak sa mga Pinoy nurses abroad.


Bilang isang Filipino tunay ngang nakakaproud kung isa ka sa mga mapapabilang sa mga international na palabas.Hindi lang ito kasiyahan para sa iyong s

Bea Alonzo at Dominique Roque, sweet sa kanilang hiking trip sa Yosemite National Park.
Rachell Ann Go, masayang naninirahan sa London kapiling ang foreigner husband at pamilya nito.
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

Bilang isang Filipino tunay ngang nakakaproud kung isa ka sa mga mapapabilang sa mga international na palabas.Hindi lang ito kasiyahan para sa iyong sarili kundi isa ring karangalan sa ating bansang Pilipinas.

Kamaikalan nga lang ay naging maugong ang pangalan ng isang Filipino actress dahil sa pagganap niya sa isang International project sa Amerika. Ang nasabing Filipino actress ay si Aina Dumlao na tiga Quezon City at labing isang taon nang naninirahan sa amerika kasama ang kaniyang asawa na isang aktor , direktor at writer.

May be an image of 4 people, people sitting, people standing and indoor

Labis nga ang kasiyahan ng mga Pinoy at mga local celebrities ng mapanood nila na mayroong napasamang Filipino character sa isang sa longest-running medical drama sa US na “Grey’s Anatomy.”

Sobrang Proud ang mga Filipino sa pagganap na ito ni Aina Dumlao dahilan upang pagusapan nga siya ng mga netizen sa social media. Si Aina ay gumanap bilang isang Filipina nurse na tinamaan ng Covid 19 nitong June 3 episode ng sikat na sikat na Tv series na ito.

Maraming kababayan natin ang nakarelate sa character na ito ni Aina lalo na ang mga kababayan nating mga frontliners.

Lalo pa ngang naging maugong ang pangalan ni Aina Dumlao ng lumabas siya sa segment ng Bawal Judgemental ng “Eat Bulaga” wala ngang paglagyan ang kasiyahan at pagka proud ng mga Pinoy kay Aina.

May be an image of 1 person

Naikuwento nga ni Aina na apat na beses na nga daw niya nirerepresenta ang Pilipinas sa US. Sinabi din niyang nagsimula daw siya doon na 6 to 7 years na siyang artista at siya daw ang kauna-unahang Filipino na tinampok bilang Filipino-american nurse.

Aminado nga si Aina na hindi madali ang pinagdaanan niya upang makapasok sa entertainment industry ng Us pero ginawa daw niya ang lahat upang makapasok sa audition.

“Mahirap (ng audition) kasi COVID. Dati mag-o-audition ka sa harap ng mga casting director dito, pero ngayon, dahil in the middle of a pandemic tayo, vinideo ko na lang yung sarili ko, tinape ko na lang. Yung asawa ko kasi artista at saka director kaya tinutulungan niya ako na mag-audition,” aniya pa.

Samantala, bukod sa guesting niya sa “Grey’s Anatomy,” bida rin siya sa Australian comedy-drama series na “The Unusual Suspects” kung saan makakasama rin niya ang “The Lord of The Rings” actress na si Mirando Otto.

Hiling nga ni Aina na magtuloy tuloy na ang pagbibigay ng oportunidad sa mga Filipino actor abroad. Karaniwan daw kasi pag hanap ay Asian ang nabibigyan oportunidad ay ang mga Chinese,Japanese o korean at hindi nila naiisip ang mga Filipino. Kaya sana daw ay magtuloy tuloy na para sa mga katulad niyang Filipino actress.

May be an image of 1 person and standing

Labis din ang pasalamat ni Aina sa mga kababayan na talagang proud na proud at sumusuporta sakanya. May mga umiyak pa nga daw umano ng malaman na isa siyang Filipino at hindi daw niya kinakahiya yun. Tuwang tuwa nga daw umano ang mga ito ng marinig na siyay magtagalog.

“Nakakataba po ng puso kasi maraming emotional na messages lalo na sa mga nurse abroad na nasa gitna ng pandemic na hindi nare-recognize…all of a sudden ang daming nag-contact sa akin na, ‘Uy, Filipino ka ba?’ Saad pa ni Aina.

Sa huli sinabi ni Aina Dumlao na mas magiging madali na sa mga Filipino actor na katulad niya ang pagpunta doon at mapasama sa mga palabas international kumpara sa naranasan niya anim na taon ang nakalipas.

 

COMMENTS