Pinamigay na ayuda ni Ivana Alawi umabot sa 1.3 Million.

Pinamigay na ayuda ni Ivana Alawi umabot sa 1.3 Million.


Isa sa pinakasikat at kilalang Vlogger dito sa Pilipinas si Ivana Alawi. Marami nga ang sumusubaybay sa kanyang mga vlogs dahil ito nga ay nakakaaliw

Pulubing iniwang hubo’t hubad sa tabi ng kalsada, pinagmalasakitan ng magasawang may mabuting puso.
Tatlong pulis ang tumulong sa isang babae na naabutan ng panganganak sa daan.
Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.

Isa sa pinakasikat at kilalang Vlogger dito sa Pilipinas si Ivana Alawi. Marami nga ang sumusubaybay sa kanyang mga vlogs dahil ito nga ay nakakaaliw at kalimitan ay nakakaantig tulad nalang ng pagtulong niya sa mga mahihirap niyang mga kababayan.

Isa si Ivana sa aktres ng kapamilya network sinusubaybayan siya ng madami at hinahangan dahil narin sa kanyang aking kagandahan at kasexyhan na talagang pantasya ng marami mapa babae man o lalaki.

LOOK: Ivana Alawi goes shopping with trending rice cake vendor – Manila  Bulletin

Kamakailan nga lang ay muling tumulong si Ivana alawi sa kaniyang mga kababayang mahihirap sa ibat ibang panig ng Metro Manila. Ang nasabing pagtulong ni Ivana ay umabot sa halagang 1.3 million.

Nakagiwaan na nga ng dalaga ang pagtulong sa mga kababayan niyang mahihirap sa tuwing siya ay makakatanggap ng blessing.

Dahil nga sa umabot na sa 13 million ang kaniyang youtube subscriber ay napagdesisyunan muli ni Ivana na ibalik sa mga kababayan ang blessing na kaniyang natanggap. Nagsagawa nga siya ng charity drive at relief mission na kaniya nang nakagawiang gawin.

Sa kaniyang bagong video upload ay mapapanuod na si Ivana mismo ang naghanda ng mga food packs at mga grocery katulong niya ang kaniyang pamilya at ilan niyang mga staff sa bahay.

Sa video ay makikita din na si Ivana mismo ang nagluto at naghanda ng ipinamigay nilang food packs sa kaniyang mga kababayan. Napili ni Ivana na lutuin ang Adobo sapagkat para hindi daw agad mapanis. Talaga nga namang masasabing punong puno ng pagmamahal ang pagtulong na ito ni Ivana sapagkat nais niyang siya mismo ang maghanda ng mga ipapamahagi niya sa kaniyang mga kababayan.

Bukod sa food packs na iyon ay sinamahan din ni Ivana ng cash na isang libo ang bawat relief bag na kanilang binalot upang mayroon daw panggastos ang kaniyang mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa vlog nga ng dalaga ay sinabi niyang “Ayoko na sanang i-celebrate nang enggrande o gumastos sa celebration, kasi mas gusto ko na lang itulong sa mga taong nangangailangan. Kailangang maging praktikal ngayong pandemic.”

Sa tulong ng kaniyang mga staff ay nakapamigay ng tulong si Ivana sa ibat ibang panig ng metro manila.

Inirereport din daw umano ng mga ito ang bawat pangyayari na nagaganap with matching photos pa nga daw.

Ilan sa mga nabigyan ng ayuda nina Ivana ay mga namamalimos sa kalye, mga street vendor, garbage collectors, tricycle drivers at mga matatanda. At tiyak na mas marami pa sa mga darating na araw at panahon.

Sa huli ay labis ang pasasalamat ni Ivana sakanyang mga supporter at mga taong patuloy na nanunuod ng kaniyang mga vlog. Sinabi din niya na hindi siya nagyayabang kaya siya tumutulong kundi isa ito sa paraan niya upang pasalamatan ang mga taong walang sawang sumusuporta sakanya.

 

COMMENTS